Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAIPAGMAMALAKI NAMAN

$
0
0

sibol5ANG mga bansang Cambodia, Palestine, Bosnia at Herzegovina ay kasama sa mga bansang na-shortlist ang entry sa Film Academy Awards na Oscars at pagpipilian para sa award na Best Foreign Language Film.

Hindi natin madalas naririnig ang mga nasabing bansa sa teksto ng paggawa ng mahuhusay na pelikula. Hindi kasama ang Pilipinas sa nasabing shortlist.

Hindi na siguro natin pinapansin ito dahil hindi naman tayo madalas mapasama sa mga nominado sa Oscars sa kategoryang nabanggit.

Samantala, napag-uusapan ito dahil kasabay ng balita sa diaryo ang tungkol sa Oscars nomination ay ang pagbubukas ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Tuwing ganito ngang panahon ay puro Tagalog na pelikula ang mga nakasalang sa mga sinehan.

Walang halong foreign films para maengganyo ang mga Pinoy na tangkilikin ang pelikulang Filipino, lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan na lumalabas nang laksa-laksa ang mga pamilya at magaang magbitiw ng pera dahil sa selebrasyon ng Pasko.

May mga interesanteng panoorin, may aksyon at komedya kasi.

Pero sa tuwina ay lumulutang ang tanong – commercialized movies lang ba ang entries sa MMFF o may mga nagtatangka ring gumawa ng mga klase na pang-Oscars, ika nga?

Maraming talentado sa industriya ng pelikulang Filipino pero ang masaklap na katotohanan ay nakikipagkumpitensya sila sa mga pelikula na ang tanging kalidad ay para tumabo sa takilya.

Noon ay hindi ganito, noong mga nagdaang dekada ay nakakita tayo ng mga dekalidad na pelikula – maganda ang script, mahusay ang mga artista at mataas na uri ang kalidad ng direksyon.

Pang-Oscars, ika nga. Sa mga pelikula sa MMFF ng 2013, sa inyong palagay ay alin ang pwede sa Oscars? Meron ba?

Kailangan nating tingnan ang mga maliliit na bansang nabanggit para muli ay seryosohin natin ang paggawa ng mga pelikula para may mga pumasok na ulit sa mga ito sa Oscars.

Naiintindihan natin na dapat ay kumita, pero dapat ay balanse. Dapat ay angat ang kalidad ng mga pelikula.

Okay na mag-enjoy ang mga manonood lalo ngayong Pasko pero sana ay huwag ipagwalang bahala ang artistic form, ang kalidad ng pagkakagawa, at dapat ay maipagmamalaki naman kahit papaano.

The post MAIPAGMAMALAKI NAMAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>