Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PEKENG SURVEY KAY PNOY, VK SA CALOOCAN AT KOTONG SA MANILA

$
0
0

_lily reyesBIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa tambak na text messages at  nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung ano man ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang  padalang text messages at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD day po, Ma’am Lily. Bago ang lahat ay gusto kitang batiin ng Merry Christmas and a Happy New Year, gayundin sa lahat ng taga-Lily’s Files at REMATE.

Bakit po ganoon ang mga nagsu-survey, pilit nilang pinapapogi ang Presidente samantalang alam naman po ng lahat ang kapalpakan nito sa pagpapatakbo ng ating bansa.

Binabayaran po ba ng malaki ng Pangulo ang mga nagsu-survey na ‘yan? Bakit ganoon na lang kung makapuri at makaangat sila sa palpak na Pangulong tulad ni Noynoy?

Sana po ay may maglakas ng loob na mag-file ng impeachment kay Noynoy. Kasi nakasasawa na ang mga kapalpakan niya.

Maraming salamat po at good
luck sa inyong column. 0917_3_8_0_.

MERRY Christmas po sa inyong lahat sa Lily’s Files. Dito po sa Camarin sa Kalookan City ay talamak ang video karera na karamihan sa mga mananaya ay puro kabataan at estudyante ng mga elementary at high school.

Wala pong ginagawa ang mga pulis kahit harap-harapang tumataya ang mga menor de edad dahil ang sabi ng mga kapitalista ay nakatimbre raw po sila sa hepe ng Caloocan at sa District Director ng Northern Police District (NPD).

Maraming salamat po, Ma’am Lily at more power sa column n’yo.
0922_6_3_9_.

GOOD day po, Ms. Lily. Dito sa Divisoria, grabeng makapangotong ang mga pulis. Sinasamantala po nila ang mga tindero at tindera na maraming namimili at saka sila lumalapit
para manghingi ng tong.

Akala ko ba mababago na ang kalakaran dito sa Maynila kapag si Erap na ang nakaupo. Hindi pala, lalo lang naging pahirap sa mahihirap itong Erap sa Maynila.

Parang si Vice Mayor Isko yata ang mayor ng Maynila dahil siya ang gumagalaw at si Erap ay nasa loob na lang ng city hall.

Vice Mayor Isko, aksyunan n’yo na ang mga mangongotong na pulis tutal ikaw naman ang mayor ng Maynila.

Salamat po at Merry Christmas sa buong staff ng Lily’s Files at REMATE.              0919_7_1_0_.

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09087230036 o kaya ay mag-email lang sa lpr_2012@yahoo.com

The post PEKENG SURVEY KAY PNOY, VK SA CALOOCAN AT KOTONG SA MANILA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>