ANG akala ko noong maupo si Pang. Noynoy Aquino ay mawawala na ang kaliwa’t kanang korapsyon.
Sa tuwing magsasalita kasi siya ay lagi niyang inuupakan sa mga privilege speech niya ang mga korapsyon na ginawa ng dating administrasyon ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Pero puro ‘wento at wala namang ‘wenta dahil ngayong siya na ang nakaupo, talamak pa rin ang kaliwa’t kanang korapsyon!
Nandiyan pa rin ang sobra-sobrang suweldo at naglalakihang mga bonus na natatanggap ng mga direktor at opisyal ng Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC) sa kabila ng milyon-milyong Filipino na nagugutom dahil sa kakarampot nilang mga sahod.
Mantakin n’yo, habang naglalakihan ang mga suweldo at milyon-milyong bonus ng mga direktor o opisyal ng GOCCs, pinahihirapan at ginugutom naman nila ang mga kawawang obrero at mamamayan.
Gaya ngayong Enero 2014, balak na padagdagan ng gobyerno ang kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Tiyak na malaki na naman ang kakaltasin sa suweldo ng bawat mga miyembro ng SSS. Aray ko po nanay ko…
Ang rason ng gobyerno ay kulang na raw ang pondo ng SSS kaya daragdagan.
Ano ba ‘yan, Pang. Noynoy, dagdag na naman?
Puro ang mga opisyal ng SSS ang magpapasasa! (ITUTULOY)
MAY TONGPATS DIN ANG AOCD
Ipinangongolekta ng lingguhang intelihensya sa mga iligal na pasugalan at iba pang mga vice nitong sina Melchor Kalabaw at De Castro si AOCD chief Supt. Tagum. Alam ba n’yo na ang laki ng hinihingi ng tong-collectors na ito sa mga iligalista kaya hindi tumitigil ang mga ito sa pag-o-operate sa kanilang iligal na negosyo.
Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.
The post KONTRIBUSYON SA SSS, DIRECTOR ANG NAGPAPASASA appeared first on Remate.