SANDAMUKAL na raw ang nagrereklamong motorista, partikular na ang mga motorcycle rider, dahil sa garapalan nang pangongotong ng mga traffic enforcer ng Manila Traffic na dating MTPB sa kahabaan ng North Harbor, Tondo, Manila.
Halos ginagawa nang ‘gatasan’ ng mga tarantadong traffic enforcer na naka-detail sa kahabaan ng North Harbor ang mga motoristang bumibiyahe at motorcycle rider kahit walang mga traffic violation.
Ang masakit pa nito, hindi lang barya-barya ang ginagawang pangongotong ng mga traffic enforcer dito kundi tatlong daang piso kung ‘gatasan’ nila ang mga motoristang kanilang target.
Gaya na lang itong ginawang pangongotong ni traffic enforcer SANTIAGO R.L. sa isang messenger na naka-motorcycle na kanyang hinuli habang ang huli ay nagmamadali sa destinasyon nito.
Pilit umanong hinuhuli ni SANTIAGO R.L. ang nasabing messenger sa kasong counter flow gano’ng hindi naman daw nagka-counter flow ang nasabing messenger.
Ang siste pa nito, noong kinausap ng traffic enforcer ang messenger ay sinabi nito na P2,000 daw kung tutubusin niya ito sa City Hall at may P500 siyang komisyon.
Pero kung sa kanya raw ay P300 lang ang ibabayad.
Para ‘wag na lang maabala ang huli ay tinawaran na lang niya ng P200 pero pilit pa ring kinuha ang tatlong daang piso nang ibigay n’ya ang P500.
Ay naku, Mayor Erap!!!
TUPADA NI KAP SA BARANGAY NITO
Inirereklamo ng mga residente ng Brgy. 79 Zone 7 ang ‘tupadahan’ ni Kapitan Rod Dino. Ito ay nasa Panday Pira cor. Lacson, Tondo sa may basketball court.
Naku, Kap. Dino, totoo ba ito? Kung totoo man ito ay bakit ikaw pa ang pasimuno? Huwag naman!!!
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.
The post MOTORISTA ANG GINAGAWANG GATASAN NG MANILA TRAFFIC appeared first on Remate.