Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAGONG TAON AT PAGKAKATAON

$
0
0

PASAPORTE-BY-JR-LANGITANG Bagong Taon ay hudyat ng panibagong simula sa pakikibaka at pagbangon mula sa mga naging pagkalugmok sa nakaraan.

Maaaring naging mapanghamon sa atin ang taong 2013, marami tayong pagsubok na kinaharap hindi lamang sa pulitika, kundi maging sa mga natural na kalamidad.
Marami ang bumagsak at nalugmok, subalit sa pagpapalit ng taon ay marami ang nabigyan ng pag-asa ng pagbangon.

Sa buhay, maraming pagkakataon na bumabagsak tayo subalit hindi iyon ang binibilang kundi ang bawat pagkakataon na bumangon tayo, gaya ni Dra. Belen Cañaveral, isang Filipino doctor sa Thailand. Sino nga ba ang mag-aakala na ang doktorang may sariling klinika sa Pattaya ay ilang beses nang nakatikim ng pagkabigo noon?

Tubong Negros Occidental si Dra. Belen, ang kanyang ama ay isang simpleng empleyado sa isang kompanya ng asukal. Dahil na rin sa pagsisikap ng kanyang mga magulang, nakapag-aral silang magkakapatid. Taong 1965 nang makapagtapos ng kursong medisina sa isang unibersidad sa Cebu si Dra. Belen at sa isang private clinic siya sa Dumaguete unang nagtrabaho.

Ang paninirahan niyang iyon sa Dumaguete ang naging daan upang makilala niya ang kanyang asawang Thai na noong mga panahong iyon ay nag-aaral ng kursong civil engineering sa Siliman University. Bagama’t tutol ang kanyang ina sa pakikipagrelasyon niya sa nobyong Thai ay humantong sila sa isang Katolikong kasalan. Sa Pilipinas muna nanirahan ang mag-asawa sapagkat nagkasakit noon ang ina ni doktora.

Taong 1974 ay nagdesisyon silang mag-asawa na sa Thailand na manirahan, ito ay matapos pumanaw ang inang maysakit ni Dra. Belen. Sa Bangkok sila unang nanirahan kapiling ang mga magulang ng kanyang asawa.

Aminado si Dra. Belen na mahirap ang kanyang pagsisimula sa nasabing bansa, sapagkat bukod sa mahirap ang makisama sa biyenan ay iba pa ang kultura, paniniwala at lenggwahe rito. Muli rin niyang kinailangang kumuha ng eksaminasyon upang kilalaning ganap na doktor at makapag-practice roon.

Dalawang beses siyang hindi nakapasa sa nasabing eksamen, at halos sumuko na siya, ngunit isang kaibigan ang humikayat sa kanya upang huwag sumuko at bagkus ay mag-enroll sa isang kilalang institusyon doon upang magbalik-aral.

Sa loob ng ilang buwan ay nag-review siya, hanggang sa muli siyang kumuha ng pagsusulit at sa awa ng Diyos ay pinalad na makapasa.

Matapos nito ay nagtrabaho siya sa isang ospital sa Pattaya. Halos siyam na taon na rin siyang nagtatrabaho roon nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang among Thai, kung kaya’t pinili niyang mag-resign at magtayo ng sarili niyang klinika, kung saan ay higit siyang nagtagumpay at nagkaroon ng marami pang pasyente.

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fanpage: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

The post BAGONG TAON AT PAGKAKATAON appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>