Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAGYO, BAHA NA NAMAN AT PROSTITUSYON KAY YOLANDA

$
0
0

_benny antipordaHABANG tinitipa natin ang sulating ito, medyo nanginginig tayo sa lamig.
Brrrrrrr!

Lalo tayong nakaramdam ng lamig, mga Bro, dahil sa anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na malaki ang posibilidad na maging bagyo ang Low Pressure Area na nasa Kamindanaoan at Kabisayaan na sa ngayon.

Paano ka hindi lalamigin nang husto kung nasa isipan mo ang mga biktima ng mga bagyo at baha na hindi pa nakarerekober mula sa hampas ng masusungit na kalikasan gaya nina Pablo, Sendong at Yolanda?

Gayundin ang mga nasa evacuation center o hanggang ngayon ay nakatira sa mga giba-gibang tahanan o istraktura sa mga nilindol na lugar sa Bohol at Cebu.

LAGPAS-TAO, ABOT-BUBONG

Ayon sa mga ulat, sa Compostela Valley nagaganap ang mga matitinding baha dahil may ilang lugar doon na lagpas-tao at abot-bubong ng bahay na ang mga baha dahil sa tindi ng ulan mula sa LPA.

May mga natangay na rin ng baha na mga residente sa lugar.

Ang nakalulungkot nga, eh, muling binubuhusan ng malalakas na ulan at binabaha ang mga lugar ng kalamidad.

TAKOT NA KATAKOT-TAKOT

Sa totoo lang, nakapanlalamig ang pagdating ng masamang panahon.

Hindi pa nga nakababangon mula sa kamatayan at kasiraan ang mga biktima nina Yolanda, Sendong at Pablo at ng lindol, andiyan na naman ang namumuong bagyong si Agaton.

Sino ang hindi matatakot sa pagdating ng mga bagyo sa nararanasan ng marami na kamatayan, kasiraan at hirap na idinarating ng mga ito?

BABALA NG NDRRMC

Muli, may babala ang National Disaster Risk Reduction Management Council sa lahat ng mga inuulan at binabaha ngayon sa Visayas at Mindanao.

Mag-ingat daw ang lahat.

Pero dapat na kambalan ng NDRRMC ang babala nito ng maagap na pagkalinga o paglingap sa mga biktima.

Isa sa mga isama sa paglingap ang mga hanggang ngayo’y nabubuhay sa mga tent, temporary shelters, nakatira sa mga kulungan ng baboy at iba pa.

HIRAP AT GUTOM

Kasama na kasi riyan ang patuloy na gutom na nararanasan ng milyones na katao.

Hindi totoo na maayos na ang kalagayan ng mga biktima ng mga bagyo at lindol.

Marami pa rin ang nakararanas ng gutom, sakit at labis na paghihirap dahil sa kawalan ng sapat na paglingap sa kanila, lalo na mula sa pamahalaan.

Kabilang sa mga hirap na hirap mabuhay ang mga naulila sa ama at ina, ang mga matatanda at maysakit, ang mga nabalda, ang mga nawalan ng paraan o gamit para makapaghanapbuhay.

Sila ang hindi makapundar ng kahit bubong man lamang at sa putik nakatuntong kahit sa kaunting ulan at baha.

TULOY-TULOY NA PAGLINGAP

Hindi natin tatantanan ang pagbabantay sa pamahalaan sa ginagawa nitong pakikitungo sa mga biktima ng kalamidad.

Hangga’t may natitirang abuloy ng mga kababayan natin at dayuhan na nasa kamay ng mga kinauukulan, dapat na wala ring katapusan ang pamimigay nito.

Ang totoo niyan, mga buwan at mga taon ang aabutin ng napakaraming biktima ng kalamidad kaya naman dapat na walang patlang ang pagbubuhos ng tulong sa mga ito.

‘Yan ay kung gusto talaga ng pamahalaan na tunay na makabangon at makahakbang tungo sa normal na buhay  ang mga biktima.

Hindi pupuwedeng itago ang mga nakalap na tulong at mabubulok lamang sa mga taguan.

BANTAY-SALAKAY

At lalong hindi dapat na may sadyang itatago sa mga abuloy o tulong saka sasalakayin ng mga bantay-salakay.

Pahahabol natin kay karma ang sinomang gagawa niyan.

Kung hindi uubra ang karma, baka naman makatulong ang mga mangkukulam sa paghabol sa mga ito.

Lalo na kung patuloy na lilinisin ng pamahalaan ang mga palatandaan ng kalokohan ng mga korap at kawatan sa mga abuloy o tulong na dapat talagang para sa mga biktima.

PROSTITUSYON

May lima na umanong high school students ang tinangay o kinumbinsing umalis sa kanilang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda ng mga human trafficker.

Ayon na rin ito sa ulat ng Plan International, isang organisasyon na nakabase sa Britanya na nagbabantay laban sa human trafficking, kinumbinse ang mga dalagita na magtrabaho sa mga bakery sa Maynila subalit nakapagtataka umanong sa gabi magtatrabaho ang mga ito.

Kinakabahan ang Plan International sa sasapitin ng mga kabataang nabanggit lalo’t naging saksi ito sa katotohanang daan-daang galing sa lalawigan ng Samar ang natagpuan nilang nasa prostitusyon sa Olongapo simula pa noong 2008.

Residente umano ang limang bata sa Bassey at Marabut sa Samar na labis na nasalanta sa bagyo.

SERYOSOHIN

Dapat na agad kumilos ang pamahalaan sa usaping ito.

Habulin nito ang mga gumagawa ng prostitusyon bilang pagsasamantala sa mga kababaihang biktima ng kalamidad.

Dapat din nitong pigilan ang prostitusyon maging ng mga ina ng tahanan bilang paraan para mabuhay ang kanilang pamilya mula sa gutom at labis na paghihirap.

Kung magpapatuloy ang pagsasamantala sa mga kababaihan o maging sa mga kalalakihan na sapilitang pagtatrabahuhin sa patay-gutom na sahod dahil sa kagipitan, wala tayong pupuntahan kundi malungkot na buhay at kinabukasan ng libo-libong biktima.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  sa 09214303333.

The post BAGYO, BAHA NA NAMAN AT PROSTITUSYON KAY YOLANDA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES