PAGKATAPOS ng mahigit sa tatlong dekada ng pagpapatupad, ang 1976 Water Code ng Pilipinas ay humarap sa maraming suliranin tulad ng pagkasira ng pinagkukunan ng tubig; at pagbabago-bago ng klima na lubhang nakaapekto sa suplay ng tubig.Ayon kina National Water Resources Board (NWRB) OIC Executive Director Elenito M. Bagalihog, “Sa kasalukuyang sitwason, kinakailangang suriin at baguhin ang Code upang mapunan ang nagbabagong pangangailangan ng bansa at kapaligiran nito”.
“Sinusubaybayan ng ahensya kung saan pinagmumulan ng tubig ng kasalukuyan,” wika ni Jorge M. Estiko, Deputy Executive Director at kasalukuyang Chief ng Monitoring & Enforcement Division,
Ano-anong mga pinagmumulan ng tubig ang sinusubaybayan ng NWRB?
I. Surface Water Sources:
1. Diversion Dam.
2. Small Water Impounding Project.
3. Irrigation Canal Structures.
4. Ilog.
5. Sapa.
6. Palaisdaan.
II. Groundwater Sources:
1. Deepwell Source (DW)/ Poso.
2. Shallow Tubewell (STW)/ Mababaw na tubo ng poso.
3. Spring Source/Bukal.
Paano ito nasusubaybayan ng NWRB?
1. Pagsisiyasat at pagsusuri sa mga pasilidad at gumagamit nito
2. Aktuwal na discharge measurement sa mga gumagamit ng pinagmumulang tubig
3. Panukat ng agos sa sapa na gamit ang current meter
Kasangkapang kakailanganin sa pagsuri ng tubig:
1. Measuring tape/ marked tag line.
2. Meter stick/marked wading rod.
3. Current meter/flow meter.
4. Stop watch.
5. Floatation Method Measurement.
6. Flow Meter Measurement .
7. Volumetric Measurement.
8. Water Level Measurement.
Ano-anong kautusan ang ipinalabas ng NWRB?
1. Paalala ng pagsunod.
2. Pagpapakita ng dahilan ng mga kautusan.
3. Pagpapatigil sa mga kautusan.
4. Pagsasara sa mga kautusan.
Papaano ipinatutupad ang mga kautusan at desisyon?
1. Pagseselyo ng mga ginawang balon
2. Pagseselyo ng ginawang balon at pinagmulan nito
3. Pagputol sa pangunahing tubo mula sa panloob na kahon ng isang bukal o batis.
The post MGA HAKBANG NG NWRB SA TAONG 2014 appeared first on Remate.
