Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAEKLAT NG PALASYO, MERALCO

$
0
0

pakurotTIKOM ang bibig ng mga taga-Palasyo kaugnay sa napaulat na panukalang pagbibigay ng emergency powers (bagaman hindi ito hinihingi) para kay Pangulong Benigno Aquino III upang lutasin ang krisis sa kuryente.

Eh, kung madulas nga naman ang sinoman sa kanila. Siyempre, paeklat lang ni Pangulong Noynoy na kailangan ang emergency powers pero ang totoo, may sabwatan ang Palasyo, Manila Electric Company, iba pang kompanya ng kuryente at power grid operators sa bansa.

Nagbanta ang Meralco ng power interruption sa mga susunod na araw dahil hindi nakuha ang gusto nilang taas ng singil sa kuryente na dapat ipinatupad noong Disyembre matapos makialam ang Korte Suprema.

Naku naman, lumang tugtugin na ‘yan. Sa mahihirap, hindi naman problema ‘yang madalas na “brownout” dahil madalas namang napuputulan ng serbisyo ng kuryente kapag hindi nakababayad sa itinakdang araw ng Meralco.

Ang lubos na apektado ay ang mga malalaking kompanya, Wala silang masusuungan. Kapag nagkaroon ng power interruption, apektado ang kanilang produksyon at operasyon habang kapag nagkaroon ng pagtaas sa singil ng kuryente, apektado ang kanilang buong korporasyon.

Noong kasagsagan ng kampanya sa presidential elections 2010, iniharap na ng grupo ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada ang mga posibleng paraan upang maibsan ang kakulangan sa power supply sa bansa. Maging ang iba pang kahaharaping problema ng bansa ay nakita na rin kaagad.

Subalit hindi ito pinakinggan ng taumbayan dahil tuloy-tuloy pa rin ang pakikisimpatiya nila kay PNoy bunga ng pagkamatay ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino. Hindi nila naiisip na wala namang nagawa si Pangulong Aquino sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso kundi ang magkuyakoy. Ngayon, lahat tayo ay apektado.

Wala namang natupad sa mga pangako ng Pangulo noong kampanya na tatanggalin niya ang korapsyon. Hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang katiwalian sa gobyerno at ang masakit, pawang mga kaalyado niya ang nakikinabang. Sa sabwatang Meralco at Palasyo, sa palagay ninyo, sino-sino ang nakikinabang?

Hindi po ang mahihirap na mamamayan na nagluklok sa puwesto kay Pangulong Noynoy. Ang mga mahihirap pong ito ang kinakawawa ni PNoy dahil boto lang ang kanilang naibigay habang ang mga mayayaman pong kakampi niya ay nagbigay po sa kanya ng pondo noong halalan.

Kailan magigising ang taumbayan? Nagigisa na po tayong mga Filipino sa sarili nating mantika.

o0o
Congrats to Chief Insp. Anna Lee Palima, of Quezon City Police District – Scene of the Crime Operatives (QCPD-SOCO), for a well-deserved promotion. Your SOCO family is very much proud of you. Continue the good work.

o0o
Happy Birthday to my jewels Anjeanette Niña and Heinrich Joseph Bascuguin who will be turning 20 and 16, respectively on January 16. Love you kids.

The post PAEKLAT NG PALASYO, MERALCO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>