NAKATATABA ng puso na sa unang pagkakataon bago natapos ang taong 2013 ay nakamit (for the first time) ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni PNP chief Gen. Alan Purisima ang Net Satisfaction Rating na (+ 50%) mula sa Social Weather Station sa survey.
Bunga ito ng masigasig na pagpapatupad ng tungkulin ng PNP bilang tagapangalaga sa seguridad at kaayusan sa ating bayan. Ang isang patunay rito ay ang pagtulong ng karamihan ng miyembro ng PNP sa pangunguna ni Purisima sa pagsaklolo sa mga naging biktima ng bagyong si Yolanda gaya sa Samar at Leyte. Patunay lang na nararamdaman na ng ating kababayan ang serbisyong makatotohanan na iniaalay ng PNP sa mga kababayan natin. Bagay na pinasasalamatan at pinupuri ni Purisima ang miyembro ng PNP.
Umaasa ang PNP na sa pagpasok ng taong 2014 ay lalo pang tataas ang net satisfaction rating nito kung patuloy na magkakaisa at magtutulungan sa lalong masigasig na pagbibigay ng serbisyong makatotohanan sa sambayanan.
Ayon kay Purisima, tunay na naging makasaysayan ang nakaraang taon sa kabila ng mga hirap at dalamhating dulot ng mga sakuna, panganib na hinaharap sa pagpapatupad ng batas at sa kabila ng mga pagsubok at problema na pinagdaraanan ng PNP.
Naging matatag pa rin ang bawat miyembro at patuloy na ipinakita pa rin ang kabayanihan ng isang tunay na alagad ng batas. Si Gen. Purisima naman, bilang hepe ng Pambansang Pulisya, hangad lang niya ang makita at maramdaman ang tunay na tiwala at respeto ng taumbayan sa kapulisan.
HARI NG BAKLAYAN, PASOK KE COP
Hindi rin mapatigil ang lantarang operasyon ng baklayan/saklaan sa El Paso Cockpit sa Nasugbu, Batangas.
Ang operator nito ay sina Jerome King at Willy Mendoza na sinasabing malakas daw kay Nasugbu chief of police Supt. Marloui Torrina. Malakasan ang baklayan ng magpakner palibhasa palaging si Supt. Torrina ang ipinagmamalaki. Sir Kernel, ginagasgas ang pangalan mo!
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com
The post PNP, NATUWA SA MATAAS NA NET SATISFACTION RATING NG SWS appeared first on Remate.