TUWANG-TUWA si MMDA Chairman Francis Tolentino.
Ipinagmalaki ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang bagong record ng kinita ng festival nitong nakaraang MMFF.
History raw kasi na P815 milyon ang kinita ng MMFF sa loob lamang ng ilang araw nitong nakaraang festival ng 2013.
Bakit si Francis Tolentino?
Marami ang hindi nakaaalam na ang MMFF ay nasa ilalim ng ahensya ng MMDA. Ang kaso, binakbakan ng “netizens” o ng mga active sa social media ang mga kumitang pelikula, nawawala na raw ang quality ng mga pelikulang Pinoy na espesyal na ginagawa sana tuwing MMFF sa panahon ng Kapaskuhan.
Bumaba na ba talaga raw ang taste ng Pinoy sa mga pelikula na pinatutunayan ng mataas na kita ng MMFF ngayon?
Pero may isa pang kaso ang MMFF at MMDA.
Ayon sa Commission on Audit (COA), maraming anomalya raw sa paggamit ng pera na kita sa MMFF.
Ginagamit daw ito sa mali at sa hindi tamang mga proyekto, ipinamumudmod sa mga hindi dapat na beneficiaries, at ang masaklap, hindi napakikinabangan ng mismong industriya ng paggawa ng pelikulang Filipino.
Ang sabi ni Mr. Leo Martinez ng Film Academy of the Philippines (FAP), matagal na nilang tinatawag ang pansin ng mga kinauukulan tungkol sa hinaing ng industriya laban sa pamunuan ng MMFF/MMDA. Hindi raw sila pinapansin.
Sabi ni Martinez, 2009 pa lumabas ang findings ng COA tungkol sa anomalya sa paggamit ng funds ng MMFF pero patuloy pa ang kamalian at hindi naiaayos. Kaya handa na raw silang mag-file ng kaso laban sa MMDA/MMFF.
Kagaya rin sa Amerika, ang akala siguro ng maraming tao ay basta showbiz ay maraming pera ang mga miyembro pero malaki ang hamon sa paggawa ng pelikula, lalo na ‘yung tunay na dekalidad. Kaya nag-aklas na rin minsan ang mga miyembro ng movie industry sa USA para matawag ang pansin ng pamahalaan nila sa sitwasyon ng movie industry, partikular ang mga maliliit na empleyado.
Handa na raw lumaban ang FAP para itaguyod ang karapatan ng mga maliliit na tao sa industriya ng show business.
Marami ang interesado na marinig ang debate rito.
The post ANOMALYA SA MMFF appeared first on Remate.