Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

VERY GOOD NI PNOY SA SURVEY AT ANG KASINUNGALINGAN

$
0
0

_benny antipordaNAGHAHALO ang balat sa tinalupan sa mga sinalanta ni bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Ukol ito sa pinalabas ng Social Weather Station na “Very Good” ang ibinigay na grado ng mga biktima ng Yolanda kay Pangulong Benigno Aquino III sa aksyon nito para sa kanila.

Para sa mga tsuwariwap ni PNoy sa Palasyo, makaraang lumabas ang SWS survey, nagpamisa pa yata sila sa tuwa.

Ang problema, lumitaw sa lansangan ang libo-libong mamamayan at biktima ng bagyo na nagsasabing “Bagsak” ang grado ni PNoy sa kanila.

12,000 NAG-RALLY
Tinatayang 12,000 biktima ni Yolanda ang nag-rally nitong nakaraang linggo upang kondenahin ang sobrang kabagalan umano ng pamahalaan sa pagtulong sa kanila.

Marami pa umano ang hindi nakarating sa mga nagsabi na sila’y dumalo at nakiisa.

Iba pa ang maraming sakay ng mga jeepney na galing sa Samar na pinigilan sa kalsada ng mga pulis na dumalo.

MAY DAGDAG PA
Ayon sa People’s Surge na organisasyong nanguna sa indignation rally, mabilis na dumarami ang mga biktima na gustong sumali sa mga darating pang rally.

Nagmumula mismo ang mga gustong sumama sa rally sa Kabisayaan, biktima at hindi ng bagyong Yolanda.

Mayroon na nga ring panawagan sa iba pang mga mamamayan at organisasyon sa labas ng mga kinalamidad na lugar na tumulong sila upang sundutin ang wetpu ng pamahalaan para mabilis itong kumilos at may mga tumugon na rito.

VERY GOOD
Ayon sa nasabing SWS survey, mas mataas pa umano ang grado ni PNoy mismo mula sa mga biktima ni Yolanda kaysa mula sa hindi biktima sa labas ng mga kinalamidad na lugar.

Very good si PNoy, sabi, sa Leyte, Samar at mga karatig na lugar sa gradong 79 porsyento na kalakip ang +54% na pagtitiwala sa kanya habang sa labas ng mga lugar na nabanggit, 69% ang grado na may ‘Kasinungalingan” ang survey, sabi ng mga nag-rally.

Kung kasinungalingan ang resulta ng survey, saang makapal na mukha galing ang datos ng SWS?

TATLONG BUWANG BOKYA
Magtatatlong buwan na simula nang manalasa si Yolanda noong Nobyembre 8, 2013 pero itinuturing ng mga biktima na bokya ang gobyerno sa mga pagtulong.

Kung meron man, hanggang ilang noodles, sardinas at bigas lamang.

May mga dayuhan at pribadong tulong pa nga na basta itinago na lamang ng korap  gaya ng mga imported na pagkain at kagamitang personal hanggang sa makita ang mga ito na ibinibenta na sa mga grocery at mall.

Mayroon din namang mga housing project gaya ng mga bunkhouse.

Pero, anak ng tokwa, kinulapulan pa ito ng mga anomalya ng mga opisyal ng pamahalaan.

Mabuti na lang umano at may mga pribadong tao at organisasyon na nagbibigay ng mas malaking tulong sa mga biktima.

AYAW PANG KILALANIN
Ayaw pang kilalanin ni rehabilitation czar Ping Lacson ang mga sangkot sa bunkhouse scam pero malapit nang lumalabas ang resulta ng imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group ukol dito.

Sakaling may ebidensya na pinera nga ang mga bunkhouse, maaasahan ba kayo, idol Ping, na ilantad sa publiko ang mga hinayupak na nagkapera maging sa kamatayan, paghihirap at gutom ng mga mamamayan?

NEGOSYANTE AT HINDI BIKTIMA
Sabi pa ng People’s Surge, hindi ang mga biktima ng kalamidad ang binibigyan ng gobyerno ng importansya sa rehabilitation program kundi ang mga negosyante.

Nagpapasubasta na ang gobyerno ng mga proyekto na lalamon sa aabot sa P300 bilyon na pondong bayan para umano sa mga kinalamidad.

Pero wala itong sinasabi na kahit papaano’y maganda-gandang direktang tulong sa mga kalamidad kundi ‘yang nakapaliit na P30,000 sa mga may totally damaged na tahanan at P10,000 sa mga may partially damaged.

Pero sa paliwanag ng DPWH, construction materials umano ang ibibigay at kaunting sahod sa mga gagawa pero para sa kung ilang araw lamang.

P40,000 ANG KAILANGAN
Ayon sa mga biktima, mas mabuting unahing pagbibigyan ng pamahalaan ang bawat pamilyang nasalanta ng bagyo ng halagang kahit P40,000 lamang at sila na ang bahalang magpayaman dito.

Para sa kanila, mapag-iisipan nila kung paano gagamitin ang halaga para sa kanilang mga kagyat na kailangan, kabilang na ang puhunan para sa kanilang hanapbuhay.

Malayo ang sitwasyong ito sa pinagsasabi ng DPWH at malayo rin sa laman na rehabilitation program.

Sa posisyon ng DPWH, higit na pinapaboran ang mga negosyate na gumagawa ng mga yero, semento, hollow block, pako, alambre at kung ano-ano pa kaysa ang mga mamamayan na may mga lokal na materyales na pupuwede nilang gamitin.

Kapag sumandal naman sila sa rehabilitation program, para na rin silang kabayo na ginutom ng mataagl na panahon bago sila mabigyan ng tulong.

Sa tagal ba naman ng programa na magtatagal ng isa, dalawa, tatlo, apat at limang taon.

MAGHUNOS DILI
Next time na magpalabas ang mga kamag-anak ng mga taga-Palasyo ng Very Good na grado sa mga taga-Malakanyang, maghunos-dili muna dapat ang mga ito.

Huwag nilang balutin ng kasinugalingan ang katotohanan dahil ‘pag uulit-ulitin nila ito, baka may mapalayas sa puwesto nang wala sa oras.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post VERY GOOD NI PNOY SA SURVEY AT ANG KASINUNGALINGAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>