ANG programang HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO ni Dr. Hilda Ong na nang magsimula ay may iba’t ibang segment, na naglalayon na matugunan ang pangangailangan ng mga tao, na sa isang tuwirang salita ay nais makapaglingkod.
Ang programa na ito ay nagsimulang marinig sa radio mula alas-2:00-3:00 ng hapon, hanggang sa ito ay pormal na ibunsod at ilipat mula sa oras na 9:00-10:00 ng umaga, nung buwan ng Nobyembre 11, 2010.
Sa mga tagapakinig at patuloy na sumusubaybay sa programang “Health and Travel at Serbisyo Publiko with Dr. Hilda C. Ong” sa DWBL 1242kHz (dwbl-am1242-khz.blogspot.com) at DWSS 1494kHz (dwss1494khz.blog-spot.com).
Malugod po naming ipinaaalam sa inyong lahat, na ang “HEALTH & TRAVEL AT SERBISYO PUBLIKO” sa DWBL 1242-kHz ay maririnig na ninyo sa bago nitong oras mula 8:00-9:00 ng umaga, tuwing Lunes hanggang Biyernes. Para sa mga sumusu-baybay sa DWSS 1494 kHz, walang pagbabago sa oras, mananatiling sa 9:00 – 10:00AM tuwing Sabado at Linggo.
Dahil na rin sa maraming kahilingan mula sa mga tagasubaybay, na ayon sa kanila, habang sila ay nagmamaneho o nakasakay sa pampublikong sasakyan patungo sa kanilang opisina, trabaho at eskwelahan ay naaaliw sila sa pakikinig sa nasabing programa.
Simula Pebrero 2014, magkakaroon ng patimpalak ang programang “HEALTH & TRA-VEL @ SERBISYO PUBLIKO.”
Ang sumusunod ay mga panuntunan sa nasabing patim-palak para sa segment ng “Touching Moment” na nakaka-TOUCH ng PUSO.
1. Magpadala ng tunay na kwento ng inyong buhay na kapupulutan ng aral, gayundin ng makaaantig ng puso at damdamin ng mga tagapakinig.
2. Dapat na nagtataglay lamang ng 500 hanggang 600 na salita ang bawat kwento.
3. Mag-register sa Facebook Fanpage ni Dr. Hilda Ong at mag-email sa hilda0509@yahoo.com
4. Isulat ang inyong pangalan, address at mobile number.
Ang mga weekly at monthly winners ay tatanggap ng Robust, Redoxfat, Fish Oil, Livermarin, Aloe Vera, GlucoMax at Strike mula sa ATC Healthcare, Corp.
The post BAGONG TIME SLOT NG HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO SA DWBL 1243 kHz appeared first on Remate.