Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARIKINA FOOD SCENE DINARAYO

$
0
0

abisoMAHILIG daw kumain ang Marikenyo. Sabi nga nila, basta raw masarap ang pagkain, kahit sa silong lang ng bahay ang karinderya ay dadayuhin ‘yan ng kahit mayayaman na Marikenyo.

Diyan nga nakilala ang Marikina – sa mga pansitan o kainan na simple lang ang itsura ngunit katakam-takam ang mga nakahain.

Ito ang aking natutunan mula sa obserbasyon at kuwento ng mga taal na Marikenyo noong ako ay General Manager pa ng Business Research and Innovation (BRAIN) ng Triple V Group at gumagawa ng market studies para sa potentials sites  ng mga bagong restaurant outlets. Ito rin ang ginawa ko para sa RACKS – ito ‘yung best ribs in town – at iba pang themed restaurants. Pati na rin sa malls ng Megaworld at C&B Mall.

Lumalabas sa aking research sa buying habits ng mga Marikenyo na mas gusto nilang kumain sa labas ng Marikina kaysa sa restaurants dito dahil mas sikat ka kung sa Eastwood, Ortigas, at iba pang  lugar ka kumain. Isa pa, nakapamasyal ka pa.

Mabuti naman at 20 years after ay iba na ang dynamics sa food scene ng Marikina. Hinog na ang Marikina para kumita at makinabang mula sa food tourism. Madalas nga na mabanggit ni Cristy Fermin sa kanyang program sa radyo ang Lutong Panciteria. Ang iba pang sikat na pansitan sa Marikina ay Edong’s, Salud, Hesus, Lola Helen’s, atbp. At meron ding mga bagong pansitan na sikat na rin at dinarayo – Acapulco, AJ Honey, ATM, atbp.

Ang magandang development ay ‘di lang ‘yung nakasanayan nating pansitan ang sumisikat at dinarayo, pati na rin ang bagong fine dining at casual dining restaurants. Salamat sa mga investor na nagpapayabong ng ating food tourism.

Meron na tayong Vikings Buffet, Tiyo’s by Chef and Brewer, at marami pang ibang restaurant at bar sa area ng Gil Fernando Avenue at Lilac Street. Ang laki rin ng redevelopment potential ng Marikina Riverpark, Liwasang Kalayaan, Bayanbayanan Avenue, at JP Rizal.

Ang maganda rin ay mismong ang mga Marikenyo ay sanay na at nag-e-enjoy na kumain sa mga restaurant natin. Kaya mas matindi ang word of mouth sa mga taga-ibang lugar.

Salamat din sa Make it Marikina magazine ng city government at sa TV features ni Kris Aquino at iba pang programa…pinag-uusapan at dinarayo na ang mga bagong kainan dito ng mga hindi taga-Marikina. Meron pa nga raw may dala-dalang magazine namin kung saan naka-feature ang listahan ng mga restaurant at iniisa-isa nila ang pagsubok sa lahat ng ito.

Kayo ba? Nasubukan na ba ninyo sila? Try out Mama Chits burger, Café Lydia, Qizia Café, Pan de Amerikana, Rustic Mornings,  Boyong’s, Tiyo’s, Quina, Kaf’s, Patio Vera, Daddy Bertz, Corazon’s, Burrito Brothers, Bacolod Chicken Parilla, Hannsmat Restobar, Papajeks, atbp.

The post MARIKINA FOOD SCENE DINARAYO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>