Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BITAY IBALIK NA

$
0
0

benny antipordaMAY batas tayo para sa parusang bitay, ang Republic Act 7659 as amended.

Kakambal nito ang batas na R.A. 8177 na lethal injection o pagturok ng lason sa pinarurusahan ang paraan ng pagbitay at hindi firing squad o pagbigti.

Pero itong mga batas na ito ay pinawalambisa ng isa pang batas, ang R.A. 9346 noong 2006.

Sa kabila naman ng batas na bumuwag sa parusang bitay, bukas pa rin ang ating Konstitusyon para sa nasabing parusa.

‘Yun bang === hindi ipinagbabawal ng Saligang Batas ang pagkakaroon natin ng batas para sa bitay.

Kaya naman, pupuwede ring buwagin ang batas na bumuwag sa parusang bitay at lethal injection at ibalik o pairalin muli ang mga huli.

KONTRA BITAY

Siyempre pa, ang mga kontra-bitay na mga mamamayan ay may mga matitibay na dahilan.

Sabi nila, hindi napigilan ng pagkabitay ni Leo Echegaray at anim na iba pa ang pagkakaroon ng mga karumal-dumal na krimen.

Isa pa, kalahati ng buong mundo o ng mahigit 200 bansa ang lumimot na sa parusang bitay bilang pagtalima sa pagbibigay-halaga sa dignidad ng tao.

Kung mayroon mang posibleng papayagan na bitay, maaaring may kaugnayan lamang sa terorismo at genocide o pagpatay sa maraming tao o isang lahi.

Kristiyano rin umano ang mahal kong Pinas kaya ipinauubaya na lang sa Diyos ang pagpaparusa sa mga gumagawa ng mga mabibigat na krimen.

Hindi umano dapat na pairalin ang ngipin sa ngipin at mata sa mata na batas.

PRO BITAY

Sa kabilang banda, marami ring matitibay na batayan ng mga sumasang-ayon sa bitay.

Una, ano ang gagawin sa mga nanggagahasa na para maitago ang kanilang krimen ay pinapatay ang kanilang mga biktima?

Ikalawa, ano ang gagawin sa mga katulad ng mga nagsagawa ng Maguindanao massacre?

Ikatlo, ano ang gagawin sa mga nagpapakalat ng droga na dahilan ng napakarami nang karima-rimarim na krimen mula sa rape na may pagpatay hanggang sa paghahari ng mga riding-in-tandem at patayan ng mga magkakamag-anak?

Ikaapat, ano ang gagawin sa mga nakakulong na sa Bilibid pero sila pa rin ang hari sa droga at mga pagpatay?

Ikalima, ano ang gagawin sa mga korap at mandarambong na dahilan ng libo-libong namamatay sa malnutrisyon at sakit taon-taon at utak ng mga pamamaslang sa mediamen at iba pa?

Ikaanim, ano ang gagawin sa mga riding-in-tandem na sadyang pumapatay kahit sa kanilang mga pagnanakaw?

Ikapito, ano ang gagawin sa mga utak at gumagawa ng mga masaker sa mga maliliit at walang kalaban-laban na mga magsasaka, obrero at iba pa?

PINATATAWAD, PINATATAKAS

Dahil sa kawalan ng parusang bitay, nakalulungkot na malamang ang mga gumagawa ng mga mabibigat na krimen ay madaling pinatatawad o kaya’y pinatatakas mula sa mga kulungan o sa labas ng Pinas.

Lalo na ang mga masasalapi, maiimpluwensya at makapangyarihan.

At mas madaling mabitay ang mga mahihirap, lalo na kung masasalapi, maiimpluwensya at makapangyarihan ang kanilang mga katunggali.

Pero ang isang punto rito na malaki ay ang kaduda-dudang “pagbabago” ng mga kriminal makaraan silang makulong at makalaya o mapatawad o makatakas.

Bitay ang higit na epektibong paraan para mapigil ang mga ito na magiging paulit-ulit sa paggawa ng mga mabibigat na krimen.

DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM

Subalit ang parusang bitay ay dapat na daraan sa karayom. Una na rito ang paglalantad ng buong katotohanan ukol sa isang krimen, kasama na ang tiyak na may mga gawa nito.

Walang dapat na pinipili o kinikilingan ang mga hukuman at gawin nitong patas ang mga pag-uusig. Wala dapat mayaman at mahirap, makapangyarihan at mahina, maimpluwensya at walang konek.

Sa huli, dapat na wala ni anomang pagdududa na ang isang akusado ang may kagagawan ng krimen at kung gayon, dapat siyang mabitay.

SALVAGING DI PUWEDE

Kontra tayo, mga Bro, sa mga shoot-to-kill order o salvaging bilang paraan ng pagpaparusa.

Sapagkat nawawala ang diwa ng tinatawag na due process dito na kung saan binibigyan ang isang akusado ng pagkakataon na idepensa ang kanyang sarili laban sa mga akusasyon sa kanya.

Sa shoot-to-kill order o salvaging, masamang tingnan na ang mga riding-in-tandem, ang mga pulis o NBI ang nagsisilbing tagaposas, piskal at huwes hanggang sa sila na rin ang bibitay ng kanilang target na “kriminal.”

Sa paraang ito, maaaring lilitaw ang kaguluhan at mga gantihan na magbubunga ng mga
patayan at kaguluhan.

MABILIS SA KATARUNGAN

Upang mawalan ng pagkakataon na manumbalik sa kanyang pagiging kriminal ang isang halang ang kaluluwa, maaaring gawin ang ginawa kay Kristo.

Magdamag at maghapon lang siyang nilitis at naging kasunod na nito ang pagbitay sa kanya.

Pero ibang usapan ang pagiging inosente nito.

Ang punto lang, kung wala nang pagdududa na ang akusado ay siyang may gawa ng krimen, hindi na dapat pagtagalin ang pagpaparusa.

Sa Tsina, hindi na nga pinakakain ang mga nakatakdang bitayin at hindi katulad dito noon na pinaghahandaan pa ng mga pinakapaboritong tsibug ang kriminal bago mabitay.

Kung ayaw natin ang mala-Kristong pag-uusig at pagbitay, mala-Saddam Hussein na lang.

Binitay si Saddam 55 araw makaraan siyang mahatulang guilty sa massacre o genocide.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  09214303333.

The post BITAY IBALIK NA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>