Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EPPR-1 SA MALACANANG, HINDI SA EDSA, ANYARE?

$
0
0

baletodoGUILTY! Ito ang nakikita natin kung bakit nagpasya si pangulong Benigno Aquino III (BSA3) na gawin ang paggunita sa makasaysayang EDSA People Power Revolution 1 sa Malacañang sa tunay na pinangyarihan noong 1986.

Guilty dahil pagkilos ng sambayanan ang EPPR-1 laban sa diktaduryang rehimen ni Ferdinand Marcos.

Isyu ang usapin dito at hindi pulitikal ha. Ibig sabihin, kapag gustong gunitain ang pagbaril kay Gat Jose Rizal, isang kumpas lang ni Noynoy ay puwedeng sa Malacañang na rin?

Sabi ng bagong trumpeta ni Aquino na si Sonny Coloma, utos daw ng kanyang amo na ilipat na lang ang kasaysayan mula EDSA patungo sa Malacañang. Kasi daw, nakakaawa ang mga motorista na ngayon ay nagdudusa na sa pahirap ng trapiko, idadagdag pa ang pista ng EDSA revolt? Mukhang may tama ano?

Aminin ninyo mga bulungeros at sipsiperos ni Aquino na nakita na ninyo na walang dadalo. Dama ninyo ang protesta ng taumbayan na ginagago ninyo sa kasinungalingan!

Isa diyan ang palabas ng SWS survey kamakailan na tumaas ang survey rating ni Noynoy na ang mga bumoto mismo ay mga biktima ng Typhoon Haiyan o Yolanda? Ukinnayo!

Bakit hindi ninyo inilabas ang totoo ilang araw matapos ang salsal-survey ng SWS ay nagmartsa ang halos 15 libo ng taga-Leyte at Samar na ang inyong rehimen ay kinondena? Bakit hindi ninyo matanggap na 100 araw na ay wala pa kayong naibibigay na totoong tulong sa kanila?

Sabi ni Coloma, ang desisyon ng Malacañang ay para daw sa kapakanan ng mamamayan na napeperwisyo ng mahigpit na trapik sa EDSA. Mabuti naman alam ninyo. Pero papaano ninyo isasalarawan ang “salubungan” ng puwersang rebolusyonaryo noong EDSA People Power 1? Gagawin ba ninyo sa Mendiola? O sa Malacañang Gate?

Natatakot kayo sa totoong anyo at postura dahil alam ninyo na walang dadalo at kung mayroon man ay baka iyon ang mitsa ng bagong EDSA na kailangang-kailangan muli na mangyari ngayon. Paos na ang tinig ng mga humihiyaw na mamamayan laban sa inyong kapabayaan. Paos na ang tinig ng mga biktima ng mga bagyo, lindol at pagbaha na hanggang ngayon ay hindi ninyo natutulungan. Katotohanan!

Sinayang ninyo ang inyong pagkakataon na magsilbi sa bayan at mamamayan. Matatapos na ang inyong termino, puro kuwento na walang kuwenta pa rin ang ginagawa ninyo. Halos apat na taon na, wla pa!

Sayang na EDSA People Power 1. Sayang na kabayanhihan ng sambayanan. Sinayang ninyo ang isang dakilang kasaysayan dahil lang sa inyong kasutilan. EDSA, EDSA, EDSA. Mabuhay ka sana muli! –30–

The post EPPR-1 SA MALACANANG, HINDI SA EDSA, ANYARE? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>