Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BUO PA BA ANG UNA?

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBMARAMI ang nagtatanong kung buo pa rin ang United Nationalist Alliance (UNA) na binuo nina Mayor Erap Estrada, VP Jojo Binay at Senator Juan Ponce-Enrile.

Sa itinatakbo kasi ng bagong kaganapan sa pulitika ay malinaw na wala ng UNA dahil biyak na ang samahang Erap at Binay, na kung saan malinaw na ang ugat ay ang pulitika sa 2016.

Naging bahagi lamang ang usapin ng Central Market sa Maynila sa paghihiwalay ng dalawang haligi ng oposisyon pero klaro naman na ang pagtatangkang muli ni Erap sa 2016 presidential polls ang dahilan ng pagkakawatak.

Malinaw na pansariling interes ang nangyari sa UNA kaya’t tiyak na magtutuloy-tuloy na ang pagguho nito at iyan ang senaryong hindi maiiwasan dahil doon na patungo ang itinatakbo nito.

Sa maikling salita, guguho na ang UNA at iyan ang inaabangan ni Mar Roxas dahil posibleng makatsamba na siya sa 2016 dahil sa pagkakaroon ng dalawang paksyon ng oposisyon.

o0o

NANALO ba ang Pinoy sa EDSA? Marami ang nagsasabing nananatili pa ring “nganga” ang mga Pinoy matapos ang 28 taon magmula noong EDSA Revolution noong 1986.

Ito ang nararamdaman ng mayorya ng mamamayan sa bansa dahil ang mga mahihirap ay lalo lamang nagdarahop at ang mga mayayaman ay lalo namang umaangat sa kanilang kinalalagyan.

Maging ang mga taong nasa pulitika noon, bago at matapos ang EDSA ay sila-sila pa rin ang namimirati sa mga puwesto sa pamahalaan sa ngayon, na isang pagpapatunay lamang na talagang bigo ang EDSA Revolution ni Cory Aquino.

Sa maikling salita, ang taong nagpasasa noon sa puwesto at kabang-bayan ng bansa ay naririyan pa rin kaya naman kapansin-pansin ang patuloy na kurakutan sa pamahalaan.

Posibleng may EDSA pang darating pero kapag hindi nagbago ang Filipino sa mga taong iluluklok nila sa puwesto ay tiyak na nganga pa rin ang madla dahil nagiging instrumento lamang tayo ng patuloy na kabulukan sa gobyerno.

The post BUO PA BA ANG UNA? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>