NAGPAHAYAG ang maraming senador na kanilang isusulong ang tuluyang pagbasura sa “Cyber Libel.”
Ayon sa mga mambabatas, magkakaroon ng matinding kalituhan sa paghabol sa mga lalabag nito.
Dahil tiyak na darami ang mga “fictitious account” sa internet. Upang maiwasan nga namang makasuhan kahit patuloy silang pumupuna sa mga alingasngas na nagaganap sa ating bansa.
Sa puntong ito ay bigla namang umepal ang ilang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).
Na kesyo marami silang paraan kung paano matutukoy ang tunay na katauhan ng mga pekeng internet account.
Madali umano nilang matutunton ang mga ito at maaaresto!
King-ina! Ganyan naman pala kagaling itong ating NBI, eh, bakit hindi pa nila natutukoy kung sino ang may pakana sa pagpapatakas kay Cesar Mancao mula sa mismong NBI facility? Bakit hindi pa nila ito natutunton?
Bakit hindi pa natutunton ng NBI ang magkapatid na Gov. at Mayor Reyes ng Palawan? Bakit hindi pa natutunton ng NBI kung saan naglulungga si Ruben Ecleo? Ang “Berdugo” na si Gen. Jovito Palparan? At ang manggagantso na si Delfin Lee?
Sa totoo lang, parekoy, kahit matagal na tayong gigil kung bakit hindi pa rin natutunton at nakakalaboso ang mga hijo de-putang ito ay pilit nating inuunawa ang NBI.
Dahil naniniwala tayo na ume-epal lang noon si DOJ Sec. Leila de Lima nang ipahayag niyang maraming “tracker team” ang pinakawalan ng NBI para maaresto ang mga wanted na ito.
In short, inunawa natin ang NBI na kulang ang kanilang “manpower, resources at capability” para tuntunin nang madalian ang mga nagtatagong wanted.
Pero bigla tayong nagduda rito sa pahayag ng mismong ilang opisyal ng NBI na madali nilang matutunton ang “sinomang” lalabag sa “Cyber Libel” kahit gumamit pa ang mga ito ng “fake internet accounts.”
Dahil kung gugustuhin pala nila ay madaling matukoy at matunton ng NBI ang sinoman na kanilang gustuhin!
Ibig sabihin, parekoy, kaya hindi nahuhuli ang mga pinangalanan nating wanted ay dahil ayaw lang talaga silang hulihin ng NBI!
Magkano naman? Ehek!
-o0o-
Dahil sa pagiging inutil (‘di kaya’y patong) ni QCPD Director C/Supt. Richard Albano na sugpuin ang iligal na sugal ni Pinong na naglipana sa Quezon City kaya patuloy na namamayagpag ang nabanggit na gambling lord!
Ang masaklap, nagyayabang pa ang animal na Pinong na kesyo mismong si Mayor Bistek ang kanyang pader!
King-ina, kilos na, Gen. Albano dahil ang pangalan na mismo ni Mayor Bistek ang winawalanghiya ni Pinong!
The post BISTEK KALADKAD SA SUGAL AT YABANG NG NBI SA LIBEL appeared first on Remate.
