HINDI lihim ang grupo ng “Old Boys Club” (OBC). Matagal nang sila ang bumubuo ng mga kilalang ekonomista.
Marami sa kanila ang naging opisyal ng gabinete, mga economic manager na direkta at kung hindi man ay pawang mga “economic consultant” ng administrasyon.
Lamang ay hindi ito alam ng publiko. Kung sino sila at ang tunay na papel sa lipunang Filipino, lalo na sa larangan ng ekonomiya. Totoo na matatalino at mahuhusay sila sa pag-aaral, pagsusuri at pagpapaikot ng yaman ng bansa.
Kung ang kanilang malapaham sana na husay ay ginagamit sa tama, balik na marahil ang estado ng bansa bilang isa sa pinakamayamang bansa kahit man lang sa Asya.
Iyan ang malungkot. Mas mahalaga sa “Old Boys Club” o “Old Timers Club” ang kanilang sarili. Wala silang ipinagkaiba sa mga switik na politiko. Kaya naman, nasa kanila ang kakaibang yaman at kapangyarihang pulitikal!
Ang “Old Boys Club” ay napakalakas ng kontrol sa ating ekonomiya. Mga economic mana-ger nga talaga. Kaya nilang diktahan o lokohin ang Pangulo ng bansa.
Pinaglalaruan nila ang mga ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa paniningil ng mga taripa at buwis katulad ng Bureau of Internal Revenue, lalo na ang Bureau of Customs.
Ang OLD BOYS CLUB ang abogado ng mga malalaking kompanya at indibidwal na mandaraya sa buwis.
Kaya nga ang Customs Bureau mismo ay hindi maabot ang itinakdang singil-buwis dahil sa kababawas ng tara gawa ng grupong OBC.
Sila rin ang ABOGADO ng malalaking negosyante, lalo na ng mga importer at exporter. Abogado sila ng malalaking car dealer-assembler katulad ng Toyota, Mitsubishi, Honda, Ford at mga kauring kompanya na lintik sa pandaraya sa kanilang pagbabayad ng buwis!
Ilang beses na natin isinulat na ang mga nasabing kompanya na nagbenta ng bilyon-bilyong piso ay nagbayad lang ng katiting na buwis. Kasumpa-sumpa!
Sila rin, ang OLD BOYS CLUB, ang dahilan kung bakit namamatay ang maliliit na negosyante sa car dealership.
Ang sabwatan nila ang nagpatigil sa pagpasok ng mura, dekalidad at matitibay na segunda manong sasakyan mula sa ibang bansa. Opo, ang grupong ito ay galit sa maliliit na negosyante.
Sila rin ang NINONG ng kilalang smugglers sa bansa. Totoy lang ang mga hepe ng ahensya ng gobyerno katulad ng Customs, Internal Revenue at lalo na ang National Food Authority.
Napapaikot nila ang lahat na uri ng pandaraya. Iyan ang kanilang gawain. Iyan ang propesyon ng OLD BOYS CLUB!
The post ‘OLD BOYS CLUB’ KANSER NG EKONOMIYA appeared first on Remate.