Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAPAL NG MUKHA NI BONG REVILLA

$
0
0

sa kantot sulokBAGAMA’T tama naman sa kanyang puna na inutil si DILG Sec. Mar Roxas, sobrang kapal naman ng mukha ni Sen. Bong Revilla na manawagan sa kalihim na magbitiw na sa tungkulin.

Hindi natin kakilala at hindi natin pinapanigan si Roxas pero kung mayrooon dapat unang mag-resign, walang iba kundi itong nanawagan na si Revilla.

Hindi ba’t sobrang kakapalan ng mukha na isinasabit na siya sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam, kapit-tuko pa rin sa poder si Revilla?

Ang plunder ay kasuka-sukang kaso dahil pagnanakaw ito sa pondong bayan.

Kaya sa ating pananaw, walang kredibilidad si Revilla na sabihin kay Roxas na magbitiw dahil sa pagiging inutil.

Gaya ni Roxas, si Revilla ay walang delicadeza at dapat nangungunang mag-alsa-balutan sa Senado. Period!

***
Maraming magagalit sa akin pero ITO ANG TOTOO, ‘ika nga ni katotong Vic Viscocho, Jr…. kalimutan na natin ang EDSA revolution anniversary.

Matapos ang 28 taon, wala na ang tunay na diwa ng EDSA 1.

Bakit ito isinilebra kahapon sa Cebu? Kasi’y alam mismo ng mga nagpapakana ng selebrasyon na lalangawin lang ito sa makasaysayang lansangan na ‘yan.

Sila-silang mga unggoy lang ang magsisidalo. At paano tayo makukumbinsi na nariyan pa ang diwa ng EDSA 1 kung ang mga taong may pangunahing papel dito ay pawang sangkot sa mga kabalbalan.

Hindi ba’t pinatalsik si Ferdinand Marcos dahil sa pangungurakot?

Pero ang mga hinayupak na mga artista ng EDSA, puro rin mga kurakot.

At ang gobyerno ni PNoy, napaliligiran din ng mga magnanakaw.

Sa kapangyarihan ni PNoy naging talamak ang ismagling, ayon sa survey ng SWS. Nagmamalinis subalit sobrang dumi rin pala. Nagtutuwid-tuwiran, baluktot din naman.

Tanungin n’yo ang mga kabataan kung ano ang EDSA, wala silang pakialam ang isasagot nila.

Kasi’y namulat sila, matapos ang EDSA 1, na puro balitang pagnanakaw sa pamahalaan ang nababasa at napapakinggan.

Sabi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Youth executive secretary Father Kunegundo Garganta, malaking hamon sa mga paaralan maging sa Simbahang Katolika na palaging ituro sa mga kabataan ang makasaysayang EDSA People Power na naging daan para makamit ng mga Pilipino ang kala­yaan mula sa diktaduryang pamumuno.

Sa ganang akin, mali naman yatang ipagmalaki sa bagong henerasyon sa mga paaralan na ang diwa ng EDSA ay ang ginawang paglaban sa kurakot at abusong pamamahala pero patuloy namang umiiral ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ng mga nakapuwesto sa gobyerno.

Hanggang ngayon, wala pa rin tayong kalayaan sa mga buwitre sa pamahalaan. ‘Wag na tayong lokohin pa.

Malaking kalokohan talaga, itigil na ‘yan!

The post KAPAL NG MUKHA NI BONG REVILLA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes