Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CHIEF PNP PURISIMA, KAKAMPI NG KRIMINAL?

$
0
0

baletodoBAKIT nga hindi? Sa kanyang utos na isara ang mga PNP Satellite Offices sa buong bansa na nagpoproseso ng lisensiya at permiso ng mga armas o baril ng mga propesyonal, organisado, responsable at pati mga manlalaro sa pagtudla – ano ang mahusay na katwiran mayroon si PNP Chief Director

General Alan Purisima?

Totoo na may bagong batas para sa pagmamay-ari ng mga baril at armas na gusto niyang ipatupad. Pero por Diyos por Santo General Purisima Sir, puwede naman ipasunod iyan na hindi mo nakailangan ipasara ang mga satellite offices!

Iniutos ni Purisima na sentralisado na ang pagpapalisensiya sa Camp Crame. Ibig sabihin, ikaw na taga-Norte, Visayas at Mindanao, bibiyahe ka pa sa Crame para sa bago at renewal ng lisensiya at Permit To Carry Outside the Residence o PTCFOR.

Ang katwiran ng Hepe ay may mga report daw sa kanya na ang mga satellite offices ay sangkot sa matiwaling proseso na ibig sabihin, may palakasan at ayusan sa lisensiya. Kung totoo iyan Alan, ang solusyon ay palitan mo ang iyong mga tao sa satellite offices, hindi ipasara at pahirapan ang mga tunay na responsableng may-ari ng mga armas-baril!

Sa ginawa mong utos Hepe, tanging kriminal na lang ang may mga baril. Hindi na nga ninyo malutas ang sandamakmak na dami ng mga krimen katulad ng “riding-in-tandem” na walang awa sa pamamaril ng kanilang biktima, huhubaran mo pa ang mga lehitimong may-ari ng baril?

Kung layon mo lang ay magpigil at madakip ang mga taong may baril pero hindi lisensiyado, bakit hindi mo hulihin ang MNLF. MILF. BIFF, Abu Sayyaf sa Mindanao na lantaran ang kanilang pagdadala ng armas na alam mo din na walang mga lisensiya.

Lumalabas, mas kakampi mo ang mga kriminal sa iyong utos na iyan!

At kung fixers din lang ang target mo para mawala sila, hindi mo ba alam na diyan mismo sa loob ng Camp Crame ang mga kapural ng madaliang lisensiya na ang presyo ay mula P50 hanggang P150 libo?

Depende sa bilang ng apelyido ang presyo. Mas konti ang letra ng aplikante, mas mahal ang presyo ng lisensiya!

Mahusay ka Alan pero magpakatotoo ka. Wala sa hulog ang direktiba mo na ipasara ang inyong satellite offices sa buong bansa. Magpipista ang mga kriminal sa ginawa mong iyan. Hindi nga ninyo kayang bigyan ng seguridad at proteksyon ang taumbayan eh! –30–

The post CHIEF PNP PURISIMA, KAKAMPI NG KRIMINAL? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>