Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AHON: 10,000 BANGKA PARA SA 20,000 PAMILYA AT PAGSISIMULA NG PHASE 2

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongSA loob ng hindi aabot sa tatlong buwan noong ito ay mailunsad, ang Ahon! Rehabilitation Initiative ay nakamit ang target na 10,000 na bangka para sa mga mangingisda na apektado ng Yolanda. Saad ng Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

Sa pagtatapos ng seremonya sa Lungsod ng Tacloban, inanunsyo ni BFAR National Director Asis Perez ang pagsisimula ng phase 2 ng Ahon! Tinatayang aangat mula sa 10,000 bangka hanggang 20,000 piraso na may sumatotal na 30,000 unit sa mga inayos at bagong gawang bangka bago pa matapos ang proyekto.

Sinamahan si Director Perez ni Agriculture Secretary Proceso Alcala at ni dating Akbayan Partylist Representative Risa Hontiveros-Baraquel sa isa sa mga importanteng parte ng seremonya kung saan mahigit 500 units ng mga bagong gawang bangka ang ipinarada ng mga bangkerong benepisyaryo ng mga munisipalidad ng Sta. Rita, Basey, Palo, Tanauan, Tolosa at Tacloban papunta sa Amphitheater ng Lungsod ng Tacloban sa Brgy. 25.

“Naipamahagi na natin ang mga materyales na nagkakahalaga ng P10,500 para sa mga bangka sa mga apektadong mangingisda mula sa MIMAROPA, Western, Central at Eastern Visayas. Ngunit ito ay 1/3 lamang sa mga bangkang nasira ng bagyo at mayroon pa ring libong mangingisda ang walang mga bangka” ani Perez.

Naniniwala pa rin ang BFAR na maisasakatuparan pa rin nito ang target sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng iba pang ahensya ng gobyerno, pribadong korporasyon at indibidwal na nakiisa upang maging matagumpay ang Ahon!.

Idiniin ni Director Perez, ang malaking kontribusyon ay nagmula sa mga mangingisda na makapagpapalit sa mga nasira nilang Bangka at pagkawala ng hanapbuhay.

Dumalo rin sa Tacloban City ang mga donor-representative mula sa mga pribadong sektor para masaksihan ang pamamahagi ng mga bangka at para na rin makilala nila ang mga benepisyaryo.

The post AHON: 10,000 BANGKA PARA SA 20,000 PAMILYA AT PAGSISIMULA NG PHASE 2 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>