Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LIBEL WAKASAN NA BILANG KRIMEN AT KARMAHIN SILA

$
0
0

_benny antipordaNAGSAGAWA ang Senado ng pagdinig ukol sa nilalamang libelo ng Cybercrime Prevention Act of 2012 kamakalawa at kabilang tayo sa mga mamamahayag na inimbitahang maghayag ng kanilang paniniwala ukol dito.

Maraming samahan at indibidwal na mediaman ang dumalo sa pagdinig “in aid of legislation” at bibihira sa mga ito ang naghayag ng pagsuporta sa libelo sa internet.

DECRIMINALIZE LIBEL

HIGIT na nakararami, kabilang na ang National Press Club na ating pinamumunuan, ang naghayag na dapat nang mawala ang kriminal na aspeto ng libelo.

“Yun bang === hindi dapat na ituring na kriminal at ikulong ang mga naghahayag ng kanilang mga nalalaman, paniniwala, sumbong at iba pa sa internet.

“Sapagkat kung mangyari ito, ano pa ang silbi ng “kalayaan sa paghahayag at media” na ginagarantiyahan pa ng ating Saligang Batas?

Bilang suporta para sa decriminalization ng libelo, sinabi ng ilang mediamen na labag ito sa United Nations (UN) International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) na pinirmahan ng Pilipinas noong 1966 at sinuportahang maging batas na internasyonal noong 1986.

SCRAP LIBEL

IBASURA na nang tuluyan ang libelo bilang krimen.

Ito ang paninindigan naman ng ilang senador kabilang na sina Senate President Franklin Drilon, Ralph Recto at Teofisto Guingona III.

Ayon kay Drilon, hindi lang ang cyber libel kundi ang libel sa Revised Penal Code ang dapat na tanggalin…kung tatanggalin na ang libelo bilang krimen sa ating mga batas. Ganito rin ang punto ni Guingona. Sabi naman ni Recto, may ibang mga batas na pupuwedeng gamitin ng mga naniniwalang sila’y sinisiraang-puri.

At tila ito rin ang isang panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na nagsusulong ng kalayaan sa internet ng mga mamamayan.

Kabilang sa mga anti-libel sina Sen. Chiz Escudero, Ferdinand Marcos, Jr., Bam Aquino, Sonny Angara, Alan Cayetano.

SALAMAT PO

SA pagbibilang natin sa mga senador, nasa siyam na silang may malinaw na paninindigan laban sa libelo.

Hindi pa natin naririnig itong si Sen. Loren Legarda na isang batikang mamamahayag kung ano ang kanyang posisyon. Gayunman, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na tayo sa mga nagsusulong ng pag-decriminalize o pagbuwag mismo sa mga batas ng libelo para sa ganap na kalayaan sa pamamahayag at media.

Sana aabot sa higit na nakararami sa mga senador ang umaksyon para buwagin ang desisyon ng Korte Suprema na naaayon daw sa Saligang Batas ang libelo bilang krimen.

MGA KONGRESMAN

SIYEMPRE pa, inaantay natin na umaksyon din nang todo at sabay ang mga mambabatas sa Kamara laban sa libelo.

Ang pagkakaalam natin, kumikilos ang mga makabayang grupo laban sa libelo. Mayroon ding iba pa na kumikilos. Kaya lang, mukhang walang interes dito ang pamunuan ng Kamara at ewan natin kung paninindigan nila ang sinasabi nila na magpapabasa sila ng sarili nilang bersyon bago umano sila lumayas sa huli nilang araw.

Sa kabilang banda, tinototoo ng mga senador ang sinabi nila noong nagdaang mga araw na may maipapasa silang desisyon sa kalagitnaan ng taon.

At muli tayong magpapasalamat sa kanila.

MALAKING PROBLEMA

MALAKING problema nga lang ang hindi pagsasabay ng Senado at Kamara sa paggawa ng mga pagdinig ukol sa libelo.

Kapag nakagawa na ang mga senador ng kanilang bersyon na laban, halimbawa sa libelo, pero inuupuan naman ng Kamara ang mga panukala na anti-libel, walang mangyayari. Kung may mangyari man, mag-iipon lang ng alikabok ang mga panukula. At siyempre pa, walang mailalabas na batas ukol dito.

Malaking problema rin ang tila kawalan ng pakialam ng Palasyo rito. May balita pa nga na inisnab umano nina DILG Secretary Mar Roxas at Budget Secretary Butch Abad ang imbitasyon ng Senado sa kanila na dumalo sa pagdinig. Kung ano ang rason nila, bahala na kayong bumasa o makinig dito, mga Bro.

Pero may malinaw na nagaganap. Walang salita mula mismo sa pusod ng Palasyo na anti-libel kaya ang mga asungot ng Palasyo ay wala ring salita.

MAGKARUGTONG

KAHIT kalkalin ninyo ang rekord ng National Press Club, mga Bro, mabibilang sa daliri ang mga kasong libelo na isinasampa ng mga pribadong indibidwal laban sa mga mamamahayag sa internet o radyo, diaryo at telebisyon.

Sa kabilang banda, umaapaw ang mga opisyal at tauhan ng pamahalaan na nagsasampa ng kaso laban sa mga mamamahayag. Ito’y mula sa Palasyo hanggang Kamara, lokal na pamahalaan at departamento at ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang Philippine National Police.

Kapag tiningnan din ninyo, mga Bro, ang rekord sa mga pamamaslang sa mediamen, nasa 70 porsyento rin ang gawa ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan.

AYAW MABUKO

KARANIWANG pagnanakaw, pang-aabuso sa tungkulin o kapangyarihan, kapabayaan sa tungkulin at iba pa ang pinagmumulan ng mga kasong libelo at pamamaslang sa mediamen.

Kung walang magagawang batas laban sa libelo ng mga nasa Kongreso at Palasyo, alam na natin, mga Bro, ang dahilan.

Karma na lang ang pag-asa natin laban sa kanila.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post LIBEL WAKASAN NA BILANG KRIMEN AT KARMAHIN SILA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>