LAMAN na naman ng mga radio at television si BIR Commissioner Kim Henares. Nagpapaliwanag. Naging mainit na isyu kasi ang mga advertisements na pinalabas ng BIR sa mga dyaryo.
Ang isa sa series ng mga kontrobersyal na patalastas ay larawan ng isang titser na may pasan-pasan na doktor. Ang caption na nakasulat sa ingles – kung hindi ka raw nagbabayad ng buwis, pabigat ka sa mga taong nagbabayad. Umalma ang mga doktor, bully daw si Henares. Nabastos daw sila. Yung iba sinasabi na yun daw mga gustong magbayad na mga doktor ay hindi makapagbayad kasi ang hirap daw ng proseso ng pagbabayad ng tax para sa mga tulad nila. Sabi ni Henares, huwag naman daw balat sibuyas, kung maayos naman daw na nagbabayad ng buwis ay hindi dapat apektado ng mga patalastas ng BIR.
Base raw sa mga opisyal na datos ng ahensya ni Henares, ang advertisement na maraming mga doktor at ibang negosyante ang hindi nagbabayad ng tamang buwis. Kawawa naman daw ang mga nagbabayad ng tama, mahiya naman ang nandadaya.
May nagkomento pa sa social media na dinadaan na lang ba ng BIR sa pag-apela sa sense of shame ng mga Pinoy ang paniningil nila ng buwis, wala talaga silang maisip na sistema para ma-obliga ang tao na magbayad ng buwis.
Galit ang mga tao na feeling pinatatamaan sa patalastas ng BIR. “Pambabastos” daw pero sabi ni Henares kailangan daw nila paigtingin ang kampanya ng epektibong pangongolekta ng buwis dahil kailangan ang pondo para sa ikauunlad naman ng buong bansa.
Sensitibo talaga ang isyu ng buwis, lalo pa para sa mga taong ang dali-daling bakbakan ang gobyerno dahil sa malalang korapsyon sa pamahalaan. Ang katuwiran ng iba, ibabayad ba nila ang malaking perang pinaghirapan nila kung nanakawin lang naman daw ng mga tao sa gobyerno. Trust issue naman ito. Maraming anggulo kasi ang dapat ayusin para makakuha ng pondo ang pamahalaan, ang shame campaign ni Kim ay isang paraan kung tatanungin si Henares kahit pa iniismiran at kinukutya ng mga feeling nabastos ng BIR.
The post NANDADAYA KA BA? appeared first on Remate.