Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MATAPANG DAW NA BRGY. CHAIRMAN NG MAYNILA, DUWAG DIN PALA…

$
0
0

_lily reyesTIKLOP din pala ang buntot ng matapang daw na Barangay Chairman ng Maynila  nang tugisin siya ng mga tauhan ng Manila Action and Special Assignment (MASA) dahil sa hindi makatuwirang clearing operation na isinagawa nito sa Blumentritt nang walang koordinasyon mula sa Manila City Hall kung saan ay maraming  vendor ang nasugatan.

Aba’y dati-rating nagsisiga-sigaan sa kanilang barangay itong si Rodrigo “Rody” Cruz na may-ari ng Funeraria Cruz sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz na siya ngayong Barangay Chairman ng Brgy. 209 , pero ano ang nangyari at  naduwag bigla noong Biyernes nang ipahagilap ito ni Mayor Joseph Estrada at City Administrator Atty. Simeon Garcia sa mga tauhan ng MASA.

Ay ano ang nangyari at hindi lumutang sa kanyang barangay at sa punerarya itong si Cruz at sa halip ay nagtago sa isang lugar sa Bustos, Bulacan sa lupa na kanyang inaangkin dahil sa takot na maaresto siya sa kanyang ginawang paghakot sa mga paninda at pagnanakaw ng mga laman ng estante ng mga nagtitinda sa harap ng Everlife Mart sa Rizal Avenue bukod pa sa pananakit at pananakot sa mga nagtitinda sa may Bluementritt noong Huwebes ng alas-12 ng tanghali hanggang ala-1 ng hapon.

Sinabi ng ilang vendors na gusto lang daw nitong si Cruz na mangolekta sa kanila ng bayad sa araw-araw na pagpuwesto nila tulad ng ginagawa ng ilang tanod na nagtratrapik sa Blumentritt at Tomas Mapua na nanghihingi ng lagay o kotong mula sa mga driver ng jeepney at tricycle.

Ipinagmamalaki  daw nitong si Cruz na hindi niya kailangan ang koordinasyon mula sa Manila City Hall dahil hindi naman niya kapartido si Mayor Erap at wala rin daw siyang panahon upang kilalanin ito sapagkat “boss niya si Mayor Alfredo Lim” bukod pa sa kumpare niyang buo ang anak ng dating alkalde na si Roland Lim.

Napag-alaman ng Lily’s files na malaki daw ang galit nitong si Cruz kay Mayor Estrada dahil hindi ito nakatakbo sa partido ng alkalde maliban pa sa ipinrisinta ng huli sa mga mamamahayag ang kanyang inaanak na si Eduardo Manansala, alyas “Eddie Bulag” at “Eddie Pusa” na pumaslang sa nakalaban sa halalan ng chairman na si Armando Ramos.

Nakalkal din umano ng mga reporters na ang nasabing krimen ay itinuturo rin daw na suportado niya ang ginawang pagpatay ni Manansala kay Ramos.

Paalala lang diyan sa ating mga kapulisan sa Maynila na mag-ingat sa pag huli kay Cruz dahil armado ito ng MP-5 finger cutter maging ang mga tauhan nito at alalay ay may mga baril din.

Sana nga ay maaresto na ito sigang barangay chairman para matigil na ang pangha-harass niya sa mga vendor na ang gusto lang naman ay mabuhay sa pagpapatulo ng pawis at hindi sa panloloko ng tao na katulad ng ginagawa ni Cruz.

KILALANIN NATIN, ABUSADONG PULIS QC

MINSAN ay napadaan ako diyan sa may kahabaan ng Quirino Avenue at nasaksihan ko na minumura at sinisigawan ng isang  SPO1 Deang M.E. ang driver ng isang Bus na may body number na 118 pasado alas 9:00 ng gabi.

Inalam ko ang pangyayari at napag-alaman ko na ito palang driver ng nasabing bus ay nilapitan ng pulis at pinagmumura dahil sinigawan daw siya ng driver.

Sobra ang yabang nitong pulis na Deang, talagang nililiyad pa ang tiyan niya para Makita lang nung driver ang kanyang baril gayong itinaas na niya ang kanyang damit kaya kitang-kita talaga ng driver at mga pasahero ang kanyang baril.

Sumigaw pa ito ng pulis ako ng Station 4 ng QCPD, WOWWWWWWW naman, kailangan pa bang ipagyabang na pulis ka, eh, kitang-kita naman sa kilos at porma mo bukod pa sa suot mo.

Col. Norberto Babagay sir, ilang  pulis na katulad ni Deang ang mayroon diyan sa Novaliches Police Station 4,  makakasira sa inyong magandang imahe ang ganyan kaastig na pulis, puwede namang idaan sa diplomasya ang lahat, kung may kasalanan ang driver, eh ‘di hulihin ng maayos hindi yung mumurahin at sisigawan, tao din yan, marunong masaktan at magdamdam.

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suggestions at komento,  mag-text lang po sa 0908-7230036 .

The post MATAPANG DAW NA BRGY. CHAIRMAN NG MAYNILA, DUWAG DIN PALA… appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>