MALAKI ang ipinagbago ng kaibigan natin na si dating UAE Ambassador Roy Seneres na Overseas Filipino Workers (OFW) partylist representative ngayong Kongreso. Hindi nakakatuwa Mr. Congressman!
Ang panukalang batas ni congressman Roy Seneres ay ang House Bill No. 3576 – Withhold Passport Renewal of Non-Remitting OFWS!
Sa ilalim ng panukala ni Amba, binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga ambassador, consul general, chiefs of mission o charge d’ affairs na pigilin ang renewal o pag-apruba ng bagong pasaporte ngayon kay Amba – “erring Filipino workers abroad”!
You are too unfair and anti-Filipino worker congressman Roy Seneres. Awitin mo lang ang sumikat na kantang “Napakasakit Kuya Eddie” ay alam mo na ang dahilan kung bakit itinigil ng OFW ang kanyang remittance.
Alam na alam mo din ang napakaraming kasaysayan ang OFWs na nang umuwi ay hubad na ang kanyang tahanan dahil sa sumama sa iba ang kanyang pamilyang minahal!
Besides, alam mo din na bayani nga na itinuring ng pamahalaan ang mga OFW pero kulang sa dilang kulang ang balik-serbisyo sa kanilang kalagayan. Nagkasakit, namatay sa ibayong dagat, taon ang binibilang bago maiuwi sa kanilang mahal sa buhay.
Alam na alam mo iyan Amba Roy. Kaya nga nagtiwala sa iyo ng mga OFW noong eleksyon sa paniniwala na ikaw ang magiging gabay ng dakilang sektor, ng mga manggagawa hindi lang sa ibayong dagat kundi sa lokal.
Kapag naipasa ang panukala ni Cong Seneres, sabi nito, “whether sea-based or land-based are required to remit regularly a portion of their foreign exchange earnings to their family…” Mr. Amba, may batas na niyan na nagsasaad na kailangan i-remit ng OFW sa pamilya ang 80% ng kanyang kita, hindi ba?
Anti-OFW ang iyong panukalang batas Cong. Amba. Sabi nga ng mga reaksyon sa Facebook, “kapal ng mukha (mo), OFW nagpaupo sa iyo sa Kongreso; “pugutan ng ulo, alam ba niya kung gaano kahirap ang buhay OFW?”; “KAHIT MAGPARIWARA PA ANG MGA OFWS MAGWALDAS NG MAGWALDAS , NAPABABAYAAN ANG PAMILYA PARUSAHAN SILA AYON SA FAMILY CODE! HUWAG IDAMAY ANG PASSPORT, YAN PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO MO AT TO TRAVEL ANYWHERE INTERNATIONAL! WALANG KINALAMAN ANG PASSPORT SA PAGLABAG MO NG FAMILY CODE! Bobo!”
“Ilan lang ito Mr. Seneres. Gusto mo ba na mabasa pa ang negatibong reaksyon ng OFWs”
“Bawiin mo Amba. Kapag hindi, malinaw, kalaban ka ng OFWs!”
The post ANTI-OFW BILL NI AMBA ROY SENERES appeared first on Remate.
