Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGLILITIS SA AMPATUAN MASSACRE PABILISIN

$
0
0

_benny antipordaILANG buwan na lang, maglilimang taon na ang Ampatuan o Maguindanao massacre na kinamatayan ng 58 katao, kabilang na ang 32 o 33 na mamamahayag.

Nitong nakaraang Marso 4 pa lang natapos ang paglalahad ng ebidensya ng mga piskal o taga-usig sa hukuman laban sa iilang akusado na nahuli makaraan nilang isagawa ang masaker noong Nobyembre 23, 2009 sa Sitio Masalay, Ampatuan, Maguindanao.

Pinangunahan ni Datu Andal ‘Unsay’ Ampatuan, Jr. ang mga unang batch na binubuo ng 28 akusado na kumpleto nang naisakdal sa hukuman.

MAYOR, PULIS, CAGFU, ETC.

ITINURO ng mga testigo si Datu Andal ‘Unsay’ Ampatuan, Jr. na noo’y mayor ng bayan ng Ampatuan na siyang nagsagawa ng pamamaslang sa mga biktima sa pamamagitan ng high-powered na baril.

Sinamahan ito ng mga pulis, Cafgu at iba pang miyembro ng paramilitary unit na kontrolado ng mga Ampatuan sa pamamaril sa mga biktima.

Walang itinirang buhay sa mga biktima, maging ang ilang biktima na walang kinalaman sa pulitika at trabahong mediaman at nagkataon lang na napasama sa daloy ng mga sasakyan ng mga target na biktima.

Backhoe ang ginamit ng mga akusado upang malalim na maibaon sa lupa ang lahat ng mga biktima at sasakyan ng mga ito.

Ito’y upang ganap na wala sanang makitang ebidensya ukol sa krimen.

AMPATUAN SR., ZALDY AMPATUAN

MARAMI pang pagdaraanan na sagabal ang paglalahad ng mga ebidensya laban naman sa ama ni Andal na si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr. at kapatid ni Andal, Jr. na si Zaldy.

Hindi pa tapos ang mga ligal na labanan ukol sa kagustuhan ng mga piskal na gawing testigo ang ilang akusado laban sa dalawa.

At marami pang ibang ligal na usapin ang inihahain sa mababang hukuman nina Ampatuan Sr. at Zaldy Ampatuan na maaaring aabot pa sa Korte Suprema para sa kaukulang resolusyon o desisyon.

Aabot din ba ang kumpletong paglalahad ng mga piskal ng ebidensya laban sa mag-ama at 76 iba pang akusado na pawang nakakulong sa Bicutan Rehabilitation Center?

Sana naman ay hindi na.

PAGLALAHAD NG MGA AKUSADO

GAANO rin kaya katagal ang paglalahad nina Andal, Jr. ng kanilang mga ebidensya?

Aabutin din kaya ng apat na taon? Tinatanong ito, mga Bro, dahil higit na marami yata ang mga testigo at iba pang ebidensya nina Andal, Jr. kumpara sa mga testigo at ebidensya ng mga piskal mula sa Department of Justice.

Kung aabot din ng apat na taon ang side ng mga akusado sa paglalatag ng mga ebidensya, hanggang kailan pa matatapos ang kaso?

Paano kung abutin din ng apat o walong taon ang kaso nina Ampatuan, Sr. at Zaldy?

16-20 TAON AT HIGIT PA

KUNG ibabatay ang panahon ng paglilitis sa nangyari sa bahagi ng mga taga-usig o piskal, mahigit sa siyam-siyam kung tutuusin ang mga pag-uusig.

Marami ng patay sa mga akusado at mga testigo.

May mga bumaliktad na rin sa takot o iba pang mga dahilan.

Baka may patay o nagretiro na rin sa mga huwes at mga taga-usig.

Ang lahat ng ito’y sanhi ng pagbagal ng mga kaso.

At nakapanghihinang isipin na baka walang magandang patutunguhan ang buong kaso.

‘Yun bang === baka mawalan ng saysay ang katarungan.

MAGTIYAGA, MAGBANTAY

PERO anoman ang mangyari, dapat na magtiis at magtiyaga ang lahat ng mga biktima, testigo at lahat ng mga umaasa ng katarungan para sa mga biktima.

Ang mediamen lalo na mga biktima rin ng talaga namang karumal-dumal na krimen.

Sa tantiya nga natin, kung aabutin ng siyam-siyam ang kaso sa antas lamang ng regional trial court, tiyak na siyam-siyam din ang aabutin nito mula sa RTC hanggang sa Court of Appeals at Korte Suprema.

Sa dami ng mga akusado na pupwedeng isa-isang magdepensa ng kanilang mga sarili upang mapatagal lamang ang kaso, tiyak na aabutin ng kamatayan ang marami mismong mga akusado at biktima, kabilang na ang mga huwes, piskal at depensang abogado bago magkaroon ng pinal na desisyon dito ang Korte Suprema.

ISTAYL IRAQ

MAPAPAWI lang, mga Bro, ang ating mga pangamba at panghihina sa usad ng katarungan kung mag-iistayl Iraq at Tsina ang ating mga hukuman.

Kung matatandaan ninyo, naglaro sa apat na taon lamang ang paglilitis kay Saddam Hussein sa Iraq, kabilang na ang paglabas ng pinal na desisyon ng kanilang Korte  Suprema.

Hindi nagtagal, binitay si Saddam Hussein.

Pero hindi hinintay ng hukuman sa Iraq ang demanda sa mga kapwa akusado ni Saddam Hussein at nilitis siyang mag-isa batay sa isang kaso lamang.

Makaraan siyang mapatunayang nagkasala, hindi nagtagal, inilapat na sa kanya ang parusang bitay sa lubid.

ISTAYL CHINA

TATLONG taon lamang din ang panahon ng paglilitis at paggawa ng mga desisyon sa mga binibitay na kababayan natin sa Tsina.

‘Yun bang === mga nasasangkot sa smuggling ng droga.

Hindi na nga pinakakain ang mga ito bago sila bitayin at kakaiba sa atin noong may bitay pa na pinakakain natin ang mga nabibitay ng pinakamasasarap na tsibug.

O kayo riyan sa Hukuman, mula RTC, CA at SC, paano ba ninyo pabibilisin ang paglilitis upang magkaroon na ng katarungan?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post PAGLILITIS SA AMPATUAN MASSACRE PABILISIN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>