Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CHIEF PNP PURISIMA KAKAMPI NG MGA KRIMINAL?

$
0
0

baletodoBAKIT nga hindi? Sa kanyang utos na isara ang mga PNP satellite office sa buong bansa na nagpoproseso ng lisensya at permiso ng mga armas o baril ng mga propesyonal, organisado, responsable at pati mga manlalaro sa pagtudla– ano ang mahusay na katwirang mayroon si PNP Chief Director General Alan Purisima?

Totoo na may bagong batas para sa pagmamay-ari ng mga baril at armas na gusto niyang ipatupad. Pero, por Diyos por Santo, General Purisima, sir, puwede naman ipasunod iyan na hindi mo na kailangang ipasara ang satellite offices!

Iniutos ni Purisima na sentralisado na ang pagpapalisensiya sa Camp Crame. Ibig sabihin, ikaw na taga-Norte, Visayas at Mindanao, bibiyahe ka pa sa Crame para sa bago at renewal ng lisensya at Permit To Carry Outside the Residence o PTCFOR.

Ang katwiran ng hepe ay may mga report daw sa kanya na ang mga satellite office ay sangkot sa matiwaling proseso na ibig sabihin, may palakasan at ayusan sa lisensiya. Kung totoo iyan, Alan, ang solusyon ay palitan mo ang iyong mga tao sa satellite offices, hindi ipasara at pahirapan ang mga tunay na responsableng may-ari ng mga armas-baril!

Sa ginawa mong utos, hepe, tanging kriminal na lang ang may mga baril. Hindi na nga ninyo malutas ang sandamakmak na dami ng mga krimen katulad ng “riding-in-tandem” na walang awa sa pamamaril ng kanilang biktima, huhubaran mo pa ang mga lehitimong may-ari ng baril?

Kung layon mo lang ay magpigil at madakip ang mga taong may baril pero hindi lisensyado, bakit hindi mo hulihin ang MNLF. MILF. BIFF, Abu Sayyaf sa Mindanao na lantaran ang kanilang pagdadala ng armas na alam mo rin na walang mga lisensya.

Lumalabas, mas kakampi mo ang mga kriminal sa iyong utos na iyan!

At kung fixers din lang ang target mo para mawala sila, hindi mo ba alam na riyan mismo sa loob ng Camp Crame ang mga kapural ng madaliang lisensya na ang presyo ay mula P50 hanggang P150 libo? Depende sa bilang ng apelyido ang presyo. Mas konti ang letra ng aplikante, mas mahal ang presyo ng lisensya!

Mahusay ka, Alan, pero magpakatotoo ka. Wala sa hulog ang direktiba mo na ipasara ang inyong satellite offices sa buong bansa. Magpipista ang mga kriminal sa ginawa mong iyan. Hindi nga ninyo kayang bigyan ng seguridad at proteksyon ang taumbayan, eh!

The post CHIEF PNP PURISIMA KAKAMPI NG MGA KRIMINAL? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>