Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IBANG KLASE…INTEL KA TALAGA!

$
0
0

pakurotMAGANDA ang pagsasalarawan ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Alan Purisima sa mga katangian ng mga pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) dahil nanggaling siya rito kaya naging maganda rin  impresyon ng bagong district chief na si Chief Supt. Rolando E. Asuncion sa Manila’s Finest. Inisip ng bagong district director na kaya nga tinawag na Manila’s Finest ay dahil ibang klase ang disiplinang nakatatak sa utak at gawain ng mga nakatalaga rito. Kaya’t ninais niyang makita at masubukan ang katotohanan na nakapaloob sa pagmamalaking ginagawa ng kanyang boss na si Gen. Purisima sa kanyang pamumunuan ngayon..

Dahil pangalawang araw sa MPD, planong mag-ikot sa ilang kritikal na lugar sa Maynila ni Gen. Asuncion tulad ng University Belt Area kaya pinuntahan niya ito subalit dahil walang bodyguard na pulis galing mismo sa Maynila, napunta ang magiting na heneral at kanyang driver sa Barbosa Police Community Precinct sa Quiapo. Dahil “batang intel” o galing sa Intelligence Division, nakasibilyan si Gen. Asuncion at nagpanggap na magpapa-blotter sa nasabing tanggapan na kanyang ikinadismaya sapagkat inabutan niya ang mga pulis na outgoing na hindi naka-uniform, may nakasuot ng sando, ang pantalong suot na may sunog ng plantsa, may nagkalat na bote at upos ng sigarilyo at may natutulog sa folding seat na sa lengguwahe ni Gen. Asuncion ay tinawag niyang “Dugyot.”

Mabuti na lang, hindi tiningnan ng heneral ang comfort room ng police block na ayon mismo sa isang pulis ng nasabing block na tumawid pa sa Plaza Miranda Police Community Precinct matapos ang insidente ay tiyak na masusuka raw ang kanilang bagong DD.

Dahil sa pagkadismaya, iniutos ni Gen. Asuncion ang pagsibak sa PCP commander, deputy block commander at 19 na pulis na nakatalaga rito. Kaagad na itinalaga bilang Barbosa PCP commander si Sr. Insp. Alden Lee Panganiban, mula sa MPD-Intel Division at miyembro ng Philippine National Police Academy Class 2007. Patunay pa ito na malaki ang tiwala ni Gen. Asuncion sa mga batang intel? Sana’y hindi mabigo si DD sa bagong talagang hepe ng Barbosa.

Sa kabilang banda, maganda rin ang naging bunga ng pagbisita ni Gen. Asuncion sa Barbosa sapagkat matapos ang pangyayari, marami sa mga police block commander ang nagpalinis ng kanilang mga opisina at maging ng kanilang paligid at naghanap ng kanyang larawan upang makilala na kaagad nila ang kanilang “hari.”

o0o

SUNTOK sa buwan ang isinusulong na recall election laban kay  Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado sapagkat suportado siya ng may 80% ng miyembro ng League of Municipalities of the Philippines Bulacan Chapter  sa pangunguna ni Pandi Mayor Enrico A. Roque, presidente ng liga, na kontra sa mahinang protesta ng nagsusulong ng recall election na isang paraan ng maagang pamumulitika.

Malaki ang paniniwala ng mga taga-suporta ni Alvarado na hindi kayang lumikom ng 10% mula sa 1.5 milyong botante upang katigan ang recall sapagkat 19 mula sa 24 alkalde sa mga lungsod at bayan sa Bulacan ay nagpahayag ng pagsuporta kay Alvarado at nangakong hindi makalilikom kahit 3% pirma ang mga kalaban na maagang namumulitika upang dungisan ang pangalan at magandang adhikain ng gobernador.

o0o

Happy Birthday Ms. Lydia Bueno, managing editor ng Remate. Nawa’y malasing, este, mabusog mo kami!

The post IBANG KLASE…INTEL KA TALAGA! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>