Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PRESO AYAW PAKAWALAN NG CIDG AT KOTONG SA VILLAMOR

$
0
0

_benny antipordaBIGYAN naman po natin ng pagkakataon na mailabas ng ating mga mambabasa ang kanilang nalalaman kahit sa anomang isyu, reklamo, sumbong at iba pa.

INANGKIN NG MGA HUKOM

GOOD evening po, Sir. Benny! May nais lang po akong ibulgar kina dating SC Chief Justice Renato Corona.

‘Yung mga naging associate juctices niya at isang Atty. GDM, hanggang ngayon ay ayaw pa nilang aminin na malaki ang perang iligal na kinuha sa amin, worth million dollar na naibayad na ng company ng Brown & Root noong 1977!

Inilaban po namin ang kaso at kami naman po ay malinis na nanalo sa gabay ng Panginoong Diyos! Bakit tulad nilang mga kampon ni Satanas ang makikinabang doon gayong hindi naman sila ang nagpagod doon?      0929111….

ANG PROPETA NG BAGYO, SAKIT

ANG hula ng Indian prophet sa Pilipinas noong Sept. 9, 2010 ay may tatlong bahagi at nangyari na ang unang bahagi, kasama ang super typhoon sa Leyte.

Ang ikalawa ay sakit sa balat na matutunaw pati laman.

Ang pangatlo ay baha sa Luzon at tag-gutom, pagpapatayan ng mga tao sa pagkain, pagputok ng mga bulkan, pagkawala ng ilang lugar sa Pilipinas at tsunami.

Ang lahat ng ito ay hindi raw mangyayari kung ang lahat ng relihiyon ay magkakaisa, magbabalik-loob ang mga tao sa Diyos at magsisisi sa mga kasalanan, mag-fasting ng tatlong beses at hindi raw itutuloy ng Diyos ang parusa sa Pilipinas.

Kayong mga nasa katungkulan, ipaabot ninyo kay Pangulong Noynoy na mag-utos siya sa mga tao, kagaya ng ginawa ng hari ng Nineveh sa panahon ni Jonas. Huwag nawang mangyari ang hulang ‘yon. Amen. Ben Tabon-Tabon.       0932370….

PROBLEMA SA CIDG

GOOD evening po. Sir, ask ko lang po. Ang biyenan ko kasi ay hinuli ng CIDG ng Zambales sa kasong double murder. Pero mistaken identity.

Kasi nangyari ang krimen noong March 1991 pa.

Ang ginawa po namin, ay klinaro sa korte ng Branch 69 ng Iba, Zambales at pinuntahan namin ‘yung complainant. Dinala po namin siya sa police station ng Iba kung saan nakakulong ang biyenan ko. Tapos, sabi niya na hindi nga po siya ang pumatay. Nagkamali po ang humuli.

Tapos gumawa kami ng affidavit sa Public Attorney’s Office para patunayan na hindi siya ang isa sa mga pumatay at para ma-release at makalabas na siya sa kulungan.

Ngayon po ay ayaw i-release ng Police Station at CIDG. Hindi raw sila nagkamali nang hulihin siya noong Pebrero 27, 2014. Ask ko lang po kung ano ang dapat naming gawin.

(Sagot: Ang korte po ang may kapangyarihan na magdesisyon diyan at ipagpatuloy po ninyo ang magpatulong sa PAO). 0919993….

TULONG SA YOLANDA VICTIMS

BILYON-BILYONG pera na galing sa iba’t ibang bansa ang binigay sa biktima ng Yolanda! Pero saan napunta ang pera? Kung tutuusin, kayang gawin at mahigitan ang dating ganda ng Tacloban at karatig bayan sa Leyte at Samar sa pera na ‘yun kung maayos lang ang paggamit nito!

Sino po ang sisisihin dito kung bakit walang natanggap ang ibang biktima ng Yolanda? ‘Yung humahawak ba ng pera at nagmamanipula nito kung saan na napunta ‘yun? Ang nakaaalam noon ang may hawak ng pera?

Kunsabagay, si Hudas na apostol at tagadala ng suot ng pera ay nangungupit ng maliit na halaga, ‘di lalo ang iba kung bilyong pera na ang pag-uusapan!      0909679….

MAGTIYAGA, MAGBANTAY

ANG tagapamahala ng Phil. Sports Commission at Phil. Basketball Assn. ay dapat bigyan si Rain or Shine Head Coach Yeng Guiao ng full time na penalty sa kanyang ipinakitang unsportsman act sa Game 6 Finals between San Mig Coffee Mixers at Rain or Shine.

Ito ay nagbigay ng kahihiyaan at bad image sa koponan ng PSC at PBA sa harapan ng mga sports enthusiast sa buong mundo. Tama ang P2 million na multa sa Rain or Shine Mgmt. At dapat ding may sariling fine kay Coach Yeng Guiao at bigyan din ng Ultimate Warning ang mga players. Emil Hombre ng Baguio City.                       0920823…

PINAG-IINGAT

MAG-INGAT kayo, small property owners sa Arayat, Cubao, Quezon City. Baka mabiktima kayo at ma-landgrab ang lupa n’yo, kasabwat ang mga nasa barangay.      0928388…

KOTONG COPS

BABASAHIN po namin ang article ninyo, Mr. Ben Antiporda. Sana po’y maisulat ninyo sa lalong madaling panahon. ‘Yung labas po ng mga mobile car ng Stn. 2 ng madaling-araw ay heto: alas-dos, tres, hanggang alas-4:00. Gagala sila kahit saan para manghulidap lang. Sana po maniwala kayo. May karugtong pa po ito.

Dito po sa Bukidnon St., sa Bago-Bantay, Quezon City naganap ito. Gamit nila ang Toyota Avanza na kulay blue. Sila ang kumuha ng pera ko. Ang dating sinakyan nila ay abuhin na Toyota. Hulidap po ang gawa nila. Sana po maisulat ninyo ito.

Mas mainam po kung marami ang nagsusulat para mabasa parati ng mamamayan at mawarningan sila ukol sa mobile police na nanghuhulidap. ‘Di dapat na pagkatiwalaan ang pulis ngayon, Mr. Benny Antiporda.

Kamakailan ay nasa Muñoz naman sila.           0933126….

BAKIT MAUNLAD ANG JAPAN

BAKIT ang non-english speaking Japan with a large population, scarce natural resources & a low value yen has a strong economy? Good morning, my dear friends.         0908878….

KOTONG SA VILLAMOR

GOOD pm. Dito sa Brgy. 183, Villamor Airbase, Pasay City, may dispatcher kuno ang mga taxi na naniningil ng P10 bawat taxi na nakaparada o daraan lang basta nagsakay. Maliwanag na kotong, ‘di ba?

Pakitawag-pansin po ang chairman ng barangay council regarding this na nakaiirita. Concerned individual lang po.      0999458….

HAZING SA ROTC AT FRATERNITY

SA mga gustong ma-abolish ang ROTC program dahil sa hazing, hindi lang sa ROTC ang may hazing kundi pati sa ‘fraternities.’              0908878….

PDAF KAY NAPOLES

MGA PDAF na kinokorap na dapat sana para sa mahihirap ay kay Napoles napadpad.      0919271….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post PRESO AYAW PAKAWALAN NG CIDG AT KOTONG SA VILLAMOR appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>