ILANG tulog na lang at matatapos na ang anim na taong panunungkulan ni PNoy.
Ngunit sa awa ni Kulafu, wala pa ring natutupad sa kanyang mga ipinangako at ipinangalandakan!
Kabilang na rito ang kanyang islogan na “kung walang korap ay walang mahirap!”
Hindi pa ba maamin ni PNoy na ang kahirapan sa ating bansa ay hindi lang laganap, bagkus ay lumala pa ito! Na ang ibig sabihin ay hindi lang laganap ang korapsyon sa pamahalaan, kundi lumala pa ito ngayon!
Ang pagsasabatas ng Freedom of Information (FOI) ay kasama rin sa ipinangako ni Noynoy noong nangangampanya pa lamang siya.
Dahil naniniwala siya noon na ang FOI ay makatutulong nang malaki upang masawata ang pangungulimbat sa gobyerno.
Pero nang maging Pangulo ay isa na si PNoy sa mga tumututol na maisabatas ang FOI.
King-ina! Dahil ba sa isa na siya sa mga nangulimbat o posibleng mangulimbat? Ang masakit, parekoy, hindi na nga ipinasa ang FOI na siyang makatutulong nang malaki upang mabulgar ang pangungurakot sa pamahalaan ay isinabatas pa ang “cyber-libel.”
Ibig sabihin, ayaw na nga nilang ipasilip sa taumbayan ang mga transaksyon sa gobyerno ay aasuntuhin pa ang sinomang magbubunyag ng pangungulimbat ng mga hijo de putang opisyal ng pamahalaan! Na kung ang pagbubunyag ay gagawin sa pamamagitan ng “internet” ay mas malaking parusa ang nakalaan!
Gaya na lang dito sa hakbang ng maraming senador na lubusan nang ibasura (decriminalize) ang kasong Libel, hindi ba’t ayaw umaksyon ang mababang kapulungan na pinangungunahan ng “tuta” ni PNoy na si Speaker Belmonte?
Dahil d’yan, naniniwala tayo, parekoy, na ang pagsasabatas ng FOI at ang pagbabasura sa kasong Libel ay hindi mangyayari sa panahon ngayon na ‘Abnoy’ pa ang ating pamahalaan sa pagsugpo sa katiwalian!
At habang ‘Abnoy’ pa ang taumbayan sa pagpili ng mga iluluklok na lider ay mananatili tayong nakabaon sa korapsyon!
-o0o-
HINDI lang si QCPD Director Chief Supt. Richard Albano ang patuloy na nagbubulag-bulagan sa iligal na sugal sa Kyusi.
Maging si NCRPO Chief, Pol. Dir. Carmelo Valmoria ay kasama, parekoy, sa pinaniniwalaang natutulog sa pansitan!
Dahil hindi maikakaila na ang malalaking halaga na ibinibigay “weekly” ng kasalukuyang “lotteng at bookies king” na si Pinong ang siyang dahilan kung bakit walang ordinaryong pulis sa Quezon ang maaaring gumalaw sa iligal na sugal ni Pinong!
Kung alam lang ito ni PNP Chief Alan Purisima, tiyak masasabi niyang hindi lang natutulog sa pansitan sina Gens. Albano at Valmoria. Mga inutil pa!
The post USAPING ‘LIBEL AT FOI’ AT QCPD TULOG SA PANSITAN appeared first on Remate.
