NGAYONG March 13, 2014 ay ang paglulunsad sa bagong proyekto ng National Water Resources Board (NWRB) na pinondohan ng The Korea International Cooperation Agency (KOICA), ito ay may temang, “Establishment of an Integrated 3D GIS-Based Water Resources Management Information System, sa mga probinsya ng Pampanga at Bulacan.”
Ang GEO C & I. Ltd. Co. sa pakikipagtulungan ng K-Water at Korean Institute of Construction Technology (KICT), ang makakasama ng NWRB sa paglulunsad ng Kick Off Meeting sa Luxent Hotel, Timog, Quezon City na dadaluhan ng iba’t ibang mga katuwang mula sa water sector.
Pangungunahan ni Dr. Sevillo D. David, Jr, executive director ng NWRB, kasama rin sina Atty. Elenito M. Bagalihog, dating OIC executive director at Water Rights Division chief at Jorge M. Estioko, deputy executive director’s office at kasalukuyang Monitoring and Enforcement Division chief.
Ang NWRB ang nagpasya na dalhin ang proyekto “Establishment of an Integrated 3D GIS-Based Water Resources Management Information System sa probinsya ng Pampanga at Bulacan” sa tulong ng Korean International Cooperation Agency (KOICA).
Noong ika-23 ng Setyembre hanggang 27 ng 2012, bumisita at nag-organisa ang KOICA ng kanilang Korean Implementation Survey Team sa Pilipinas. Nagkaroon ng maraming pag-uusap ang NWRB at ang KOICA, kasama rin ang iba pang parehas na ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na may nais na sukat na aprubado ng dalawang gobyerno para sa tagumpay na implementasyon ng proyekto.
Sa resulta ng pag-uusap, sumang-ayon ang dalawang partido na ipresenta sa kani-kanilang pamahalaan ang naturang “Project Document” na nakakabit dito para sa kanilang pagsang-ayon.
Naging maayos ang pagtatapos at pinirmahan nina Atty. Elenito M. Bagalihog, OIC executive director at Jinoh Kim, resident representative and Implementation Survey Team Leader Korea International Cooperation Agency noong ika-26 ng Setyembre, 2012.
The post KICK OFF SA BAGONG PROYEKTO NG NWRB AT KOICA appeared first on Remate.
