Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AGENT SABOTEUR?

$
0
0

BIGWAS_Gil BugaoisanHINDI naman sa napapraning na ang Bigwas pero hindi kaya kasapakat ng China itong si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima? Dangan kasi ‘pag umasta itong si Purisima ay tila inihahanda na niya ang bansa upang hindi na tayo makapalag kapag sinalakay na tayo ng mga Chinese.

Aba, kapag nasunod ang lahat ng gusto ni Purisima ay libreng-libre na ang mga Chinese upang sakupin ang Pinas kahit ang tanging dalang sandata ay maliit na nail cutter. Atat na atat itong disarmahan ang lahat ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga patakarang puro katarantaduhan.

Pagkatapos magpalabas ng mga patakarang napakasalimuot, matrabaho at paulit-ulit pagdating sa paglilisensya ng mga lehitimong nagmamay-ari ng mga baril, nagpalabas na naman ng direktiba itong si Purisima upang gawing “centralized” ang gun licensing.

Ano na naman kaya ang nakain nitong si Purisima at tila hindi pa siya nasisiyahan sa ginagawa niyang panggigipit sa ating kababayan na licensed gun owners?  Dahil sa ginagawang ito ng PNP chief,  lalo pang lumala ang krimen sa ating bansa sapagkat batid ng mga kriminal na wala nang kalaban-laban ang ating mga law-abiding citizen.

Eh, kung inutil na nga ang PNP sa paglaban sa lumalalang kriminalidad sa bansa, paano pa kaya kung magwala ang China at sakupin din nito ang ating bansa? Ang ginawang paglusob ng Russia sa Crimean peninsula na sakop ng bansang Ukraine ay isang patunay na maaari rin itong mangyari sa ating bansa.

Napatunayan din sa ginawang pagsalakay ng Russia na ang Amerika na siyang tanging inaasahan nating kakampi laban sa China ay hindi naman talaga sasaklolo sa atin kagaya ng nangyayari ngayon sa Ukraine. Magaling lang palang ngumawngaw ang US ngunit pagdating sa dulo ay nababahag din pala ang buntot nito lalo na kung kapwa superpower din ang makasasagupa nito.

Ang tanging maaasahan natin kapag pumasok ang China ay ang ating milyon-milyong armadong sibilyan na maaaring manindigan upang maipagtanggol ang ating bayan. Hindi nga ba’t sila rin ang ating naging sandigan noong sakupin tayo ng Japan?

Ngunit talagang tabingi nga yata ang utak nitong si Purisima. Sa halip na bigyan ang ating mga mamamayan ng kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili at mga mahal sa buhay ay unti-unting tinatanggal pa ito ng ating PNP chief. Dahil diyan, hindi na ako magtataka kung malalaman natin na isa palang “agent saboteur” ng China itong si Purisima.

o0o
Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com.

The post AGENT SABOTEUR? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>