Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CAYETANO WALANG DATING KAY PNOY

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBMUKHANG kahit anong gawin ni Senador Alan Cayetano ay hindi niya makukuha ang endorso ng anak ni Tita Cory na si Pangulong Noynoy Aquino sa halalang presidensyal sa 2016.

Kung kilala mo kasi ang ugali ni PNoy ay tiyak na tapos na ang usapang Alan at Aquino dahil marami rin naman kasing hindi magandang sinabi itong si Alan laban sa unico ihong anak ni Tita Cory noong 2010 elections.

Alam ng lahat na si Cayetano ang tagabanat noon ni Villar kay PNoy kaya 99 porsyento na ang kasiguraduhan na hindi nito makukuha ang endorso ng Malakanyang.

Maging sa pahayag ni Press Sec. Herminio Coloma ay mukhang ang tabang-tabang ng dating ni Cayetano sa kanilang kampo at sa Pangulo kaya’t lalo pang luminaw ang ating sapantaha na negative itong asawa ni Lani Cayetano sa endorso ng administrasyon.

Siyempre, ang mga binibitiwang pahayag ni Coloma ay ikinokunsulta rin niya sa Pangulo kaya malinaw na magsasariling kayod itong si Cayetano para marating niya ang pagkapangulo ng bansa.

Malinaw rin na ang nangyaring pagkabigo ni Cayetano na makuha ang endorsement ni PNoy para sa kanyang bataan na kanyang inilaban sa pagkapangulo ng barangay sa buong bansa ay isang senyales na rin na dedma sa kanya ang Pangulo.

Tiyak ding alam ni PNoy ang balita noong nakalipas na eleksyon na ang utak ng demolition job kina Senador Loren Legarda at Chiz Escudero ay si Alan na isa sa mga ikokonsidera ng Pangulo.

Marami ang nagsasabing nagtatanim ng galit itong si PNoy at iyan ang huhusga sa kapalaran ni Mang Alan.

Tiyak na marami pang mangyayari sa itatakbo ng pulitika sa bansa pero isa lang ang tiyak; wala sa equation ni PNoy si Cayetano.

The post CAYETANO WALANG DATING KAY PNOY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>