SA wakas ay lumusot na rin sa committee level ng Kamara ang house resolution 597 ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa kanyang panawagan sa ibang mga kongresista na igiit ang kapangyarihan ng House of Representatives Electoral Tribunal.
Sa nasabing resolusyon ay 171 kongresista ang lumagda at nagsilbing co-authors nito habang unanimous naman ang naging botohan nito sa House Committee on Justice.
Nag-ugat ang sigalot sa desisyon ng Korte Suprema na pinapaboran si Lord Allan Velasco, anak ni SC Justice Presbitero Velasco, ang siyang nanalo.
Pero patuloy na iginigiit ni Rep. Umali na ang HRET ang dapat na may hawak sa kaso dahil si Rep. Regina Reyes ay nakapanumpa na bilang kinatawan ng Marinduque.
Sa eleksyong ‘yun ay tinalo ni Reyes si Velasco ng mahigit sa 400 na boto.
Sa interpellation sa Kamara, iginiit ni Cavite Cong. Elpidio Barzaga na dapat kilalanin at sundin ang desisyon ng Korte Suprema. Agad naman itong kinontra nina Oriental Mindoro Rep. Leachon, Rep. Umali at Rep. Sato.
Sinabi nila na kailanman, lahat ng election-related protests ay nasa kapangyarihan ng HRET at hindi dapat maiba ang kaso ni Cong. Regina Reyes.
Kapwa iginiit nina Leachon at Umali na kaduda-duda ang desisyon ng Korte Suprema at mismo ang kapwa mahistrado na si Justice Brion ang nagsabi na minadali ng ilang mga miyembro ng SC ang desisyon.
BOOKIES SA MANILA PADER PA RIN
LANTARAN pa rin ang operasyon ng bookies ng karera nina Anna at Perry mula sa mga presinto ng PS-10, PS-3, PS-7 at PS-1 ng Manila Police District (MPD).
Hindi kumikilos ang kapulisan ng MPD para masugpo ang talamak na operasyon ng bookies ng magkasosyo.
NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria, aksyon!
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com.
The post 171 SOLONS SUPORTADO ANG HRET VS SA KASO NI REP. REYES appeared first on Remate.
