Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PERA-PERA NA LANG SA PAMAHALAAN

$
0
0

_benny antipordaNAKASUSUKA na ang nagaganap sa gobyerno.

Pera-pera na lang yata ang naiisip ng mga nasa pamahalaan at ang sambayanan ang pinahihirapan. Kaugnay ito, mga Bro, ng gustong pagkansela ng Department of Transportation and Communication ng lahat ng plaka ng sasakyan at pag-iisyu ng bago para umano sa mas maayos na seguridad ng mga sasakyan.

p4.05B KOLEKTONG

ALAM ba ninyo, mga Bro, kung magkano ang target na kulimbatin sa taumbayan ng mga lintek na taga-DOTC at tagagawa ng plaka?

Tumataginting na P4.05 bilyon mula sa nasa siyam na milyong sasakyang panlupa na nakarehistro sa Land Transportation Office sa buong bansa. Iba pa ang manggagaling sa mga bago at irerehistro pa lamang.

Hindi makaliligtas dito ang lahat ng uri ng sasakyan mula sa traysikel hanggang sa mga jeepney, taxi, bus, cargo truck, trailer at  ibang mga sasakyan.

ETO ANG AKIN, ‘YAN SA IYO

SIMPLE lang ang hatian ng mga gumagawa ng pera sa plaka, mga Bro.

Mula sa kabuuang P450 na bayad ng plaka, kukunin ng tagagawa ng plaka ang halagang P380 at P70 naman ang sa DOTC.

Walang gagawin na bago ang mga lintek na ganid kundi ilalagay ang dating lumang mga numero.

WAEPEK SA KARNAPER

KUNG iisipin ninyo, mga Bro, walang epekto ito sa mga karnaper.

Lalo na kung ang mga karnaper ay kinasasangkutan mismo ng mga awtoridad na kung hindi itsa-chop-chop ang sasakyan at ibebenta nang piyesa-piyesa ay maayos at walang hassle na inirerehistro mismo sa LTO.

Hindi rin nito masosolb ang problema ng mga kolorum dahil karamihan sa mga kolorum ay alaga mismo ng mga awtoridad.

Marami ngang opisyal o tauhan ng pamahalaan ang nangongolorum dahil sa pangongolorum kinukuha ng mga ito ang kanilang pambayad sa buwanang hulog sa hulugan nilang mga bagong sasakyan.

PUWERSAHAN

INIISIP ng mga animal diyan sa DOTC at ang kanilang kasabwat sa pamemera sa taumbayan na walang magagawa ang huli kundi ang sumunod.

Gustong pairalin ng DOTC ang kamay na bakal sa usaping ito para lang ito magkamal ng dambuhalang salapi, at makikinabang ang mga kasabwat nilang tagagawa ng plaka.

Magandang silipin ng mga may konsensiya pang awtoridad, kung mayroon pa, kung magkano ang peperahin ng mga taga-DOTC mismo sa mga tagagawa ng plaka, kung mayroon man.

SENATOR RECTO

ITONG si Senador Ralph Recto ang nagpakita ng yagbols laban sa gusto ng DOTC na mangyari.

Pupuwede ba, Sen. Recto, na gumawa kayo ng aksyon sa anomang tribunal, sa Senado halimbawa, para makuwestyon ang programang pera-pera ng DOTC at mga tagagawa ng plaka? Tutal kayo na rin ang nangunguna sa pagkuwestyon sa programang ito.

PAHIRAP SA BAYAN

HABANG magsisimulang ngingiti ng ngiting baboy ang mga taga-DOTC at tagagawa ng plaka sa pagsisimula ng pagpapalit ng plaka sa susunod na buwan, mga Bro, magsisimula namang makaranas ng kahirapan ang mga may sasakyan.

Imadyinin lang ninyo ang naganap noong pinuwersa ang lahat ng mga taxi na magkaroon ng digital na metro.

Anak ng tokwa, alam ba ninyo na ang daming nagutom sa loob ng isa, dalawa at tatlong linggo sa kapipila sa inilagay na digital meter?

Ganito rin, at mas masahol pa, ang mangyayari dahil lahat na ng sasakyan ay kakabitan ng bagong plaka.

Marami ang hindi makabibiyahe nang matagal at tiyak na gutom ang sasapitin ng mga isang biyahe isang tuka na tsuper. Hindi na sila kikita, hoholdapin pa sila ng DOTC at tagagawa ng plaka ng malaking halaga.

DAGDAG-KOTONG

ALAM ba ng mga taga-DOTC lalo na, na ang panibagong problema ay dagdag na pasanin sa mga pang-aabuso ng mga lokal na pamahalaan at iba pang mga awtoridad sa mga motorista?

Anak ng tokwa, walang nagagawa ang DOTC laban sa mga sistemang quota ng mga lokal na pamahalaan at pulis para magkapera lang ang mga ito.

Para maintindihan nang husto ang ukol sa lokal na pamahalaan, mga Bro, ang multa mula sa mga motorista ang isang pinanggagalingan ng malaking salapi ng mga ito. Kahit tingnan pa ninyo ito sa rekord.

Iba pa, siyempre ang mga sariling diskarte ng mga traffic enforcer na katulad ng pambabangketa o panghuhuli at pamemera mismo sa kalsada sa anomang dahilan. Ang dami ring ganito sa hanay ng mga pulis, mula sa mga nagpapatrulya hanggang sa mga nasa Highway Patrol Group.

Tanungin pa ninyo ang lahat ng mga tsuper ng pampasaherong sasakyan, cargo truck at maging ang mga biyahero ng produktong agrikultural mula sa mga prutas hanggang sa mga isda.

PERA-PERA SA PETROLYO

LALONG dinadaganan din sa hirap ang mga mamamayan ng DOTC at tagagawa ng mga plaka ang grabe nang kalagayan ng mga motorista sa pamemera rin ng pamahalaan sa pamamagitan ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Pinababayaan lang ng pamahalaan na mang-abuso ang mga kompanya ng langis sa pagtataas lagi ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil habang nagmamahal ang presyo rito, lumalaki rin ang value added tax na singil nito mula sa mga kompanya ng langis.

Ano na ba ang nangyayari at nagiging pahirap na ang pamahalaan sa bayan sa halip na makapaghatid ng kaginhawaan?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post PERA-PERA NA LANG SA PAMAHALAAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>