Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ATTENTION: PHILHEALTH

$
0
0

_lily reyesBIBIGYANG-DAAN muli ng Lily’s Files ang ilan sa tambak na text messages at nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing ukol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at  proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang padalang text messages at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

MAGANDANG umaga po, Madam Lily. May tanong po ako. 6 years na po akong nagwo-work  sa company na pinagtatrabahuan ko ngayon. Ma’am, gusto ko po sanang mag-loan sa  Social Security System. Ang kaso po, hindi ako binigyan ng loan form dahil temporary po raw ang SSS number ko. Salamat po at GOD bless us. 0943_8_7_5_.

Lily’s Files: Tama po ‘yun, hindi ka pa puwedeng mag-loan hangga’t nasa temporary status pa lang ang SSS number mo. Siguro  noong kumuha ka ng SSS number ay kulang ang requirements na ibinigay mo, kaya ang dapat mong gawin ay magdala ka ng iyong birth certificate sa pinakamalapit na SSS branch para maging regular status ang iyong SSS number, at kapag nagawa mo ito ay sigurado ako na makapaglo-loan ka sa loob lang ng isang buwan. Maraming salamat po sa suporta ninyo.

GOOD evening po, MadamLily. Ask ko lang po: ganoon po ba talaga katagal magdesisyon ang mga arbiter ng labor? Hindi na nga nag-submit ng position paper ang agency ko, isang taon at kalahati na po ay wala pa ring desisyon. G4S pop ang aking agency. Rafy Colubong po, taga-Palawan ako. Maraming salamat po sa mga tulong mo sa katulad ko.

Lily’s Files: Paki-text lang po sa akin kung ano ang pangalan ng arbiter na may hawak ng kaso pati na rin ‘yung iba pang detalye. Salamat po sa suporta ninyo.

GOOD pm po, Lily’s Files and more power. Nais ko lang sana ireklamo ang sobrang trapik sa lugar namin dito sa Almar, Camarin. Matagal na kasing walang nangyayari. Sa rami po kasi ng trapik enforcer at pulis sa nasabing lugar ay hinahayaan lang nila na tumambay sa magkabilang gilid ng kalsada na parang terminal na ng mga pampasaherong jeep na naging sahi ng sobrang trapik. Minsan po ay nakita ko na may inaabot pa na pera ‘yung driver ng jeep doon sa barker na katabi pa mismo ng enforcer.

Maryosep po, style nila bulok. Kaya naman kaming mga commuter ang apektado sa mga kalokohan nila. Mayor, action naman po. Sana mailathala po ito at mabasa po ng aming mahal na Mayor Oca Malapitan. God bless po at maraming salamat. 0928_0_0_3_.

Lily’s Files: Hayaan po ninyo at ipararating natin ang inyong reklamo kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan. Salamat po sa suporta ninyo.

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo o hinaing, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09087230036.

The post ATTENTION: PHILHEALTH appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>