GARAPALAN na ang kilos ng Malakanyang sa huling sigwada ng kanilang paghahari sa Pilipinas – sampalan na sa mukha nang harapan, wala nang pakeme-keme pa!
Marami sa kasabwat ni PNoy ang ilang beses nang inireklamo nang pagnanakaw pero hanggang ngayon ay hayahay pa rin sa kanilang trono habang hinihintay ang pagbaba sa trono ni PNoy sa 2016.
Pero yung hepe ng Task Force Tugis na si P/Sr. Supt. Conrad Capa ay kakapa-kapa ngayon sa dilim kung bakit bigla siyang sinibak sa kanyang trono matapos masakote nito si Kabayan Delfin Lee. Aba, aba..aba! Nagkaroon din ng sibakan blues sa National Bureau of Investigation (NBI) na ikinagulat din ng nasabing ahensya kaya halos umusok ang ilong nina NBI deputy directors Rey Esmeralda at Ruel Lasala.
Kung si Col. Capa ay promosyon daw ang ginawa ni peenpe tsep, aba’y sa NBI ay talagang sibak maliban na lang siguro kung gagawin silang dalawa na NBI director. Hek hek ekeh!
Marami na rin ang sinibak ni PNoy mula nang manungkulan ito sa Malakanyang pero malinaw na ang kanyang sinisibak ay pihadong kalaban ng kanyang mga kasabwat sa katarantaduhan.
O, ngayon…ano kaya ang magandang gawin? Puwede nang itayo ng mga na-tsugi ang Task Force Tsugi na puwedeng pamunuan ni Col. Capa at suportado nung dalawang tsinugi na NBI deputy directors.
Para mas lumakas ang TF Tsugi ay hikayatin ninyo ang ilang sektor ng lipunan na punung-puno na sa katarantaduhan ng grupo ni PNoy pero huwag na ninyo isama yung tatlong mandarambong.
Ang pangunahing layunin ay tsugiin itong si PNoy kasama na ang kanyang mga kasabwat tulad nina Paquito, Panchito at Chiquito. Parang Hyatt 10 lang nang suwagin nila noon si Aling Gloria.
Itinaob nila ang kaldero ninyo na siyang pinagkukunan ng pagkain ng inyong pamilya kaya marapat lamang na itaob din ninyo ang kanilang kaldero! Tignan natin ang tigas ng ulo ni PNoy kapag wala na siya sa trono!
Para sa inyong komento o suhestyon: 09237397381
The post TASK FORCE TSUGI LABAN KAY PNOY appeared first on Remate.
