NALOLOKO raw ngayon ang isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang laos nang aktres, at sa katunayan, madalas daw silang makita sa ilang firing range sa Metro Manila.
Sa impormasyong nakarating sa Lily’s Files ay napag-alamang madalas daw sunduin ng mga operatiba ng PDEA ang aktres at dinadala ito sa isang firing range kung nasaan ang PDEA opisyal na sinasabing happily married naman daw.
Ayon sa source ng Lily’s Files, kinahihiligan daw ngayon ng PDEA opisyal na dating police colonel ang firing at sa katunayan ay sumasali ito sa iba’t ibang firing completion.
At habang papunta na ng firing range ang PDEA opisyal ay susunduin naman ng ilang piling ahente ng PDEA ang laos na aktres at dadalhin sa firing range kung saan ay naghihintay na ang kanilang boss.
Pagkatapos daw ng firing ay magkasama na ang dalawa na sasakay sa isang magarang sasakyan habang ang mga PDEA agent ay nakabuntot sa sinasakyan ng PDEA opisyal at ng laos ng aktres.
Nagtataka naman ang mga nakakakita sa dalawa at nagtatanong kung bakit magkasama ang dalawa at kung bakit parang “baby” daw kung ituring ng opisyal ang aktres, minsan pa raw ay nakasuot ang aktres ng itim na jacket na may tatak na PDEA.
Ano nga ba ang tunay na papel ng aktres sa PDEA ?
Bagama’t madalas na makita ang dalawa na magkasama sa iba’t ibang firing range sa Metro Manila ay hindi nangangahulugang may relasyon na ang mga ito.
Posible ring ginagamit lang ng opisyal ang aktres para inguso kung sinu-sino ang mga artistang mga lulong sa droga.
Ito ang magandang subaybayan ngayon, at kapag nagkataon naku, siguradong maraming mga sikat na artista at kilalang mga indibidwal ang posibleng malambat ng PDEA.
Kung sakaling tipster lang ang papel ng aktres sa PDEA, o taga-nguso sa kanyang mga kapwa artista, may kredibilidad nga ba ang laos na aktres na ito na maging asset ng PDEA?
Sinasabing noon at maging hanggang ngayon daw ay gumagamit pa rin ng droga ang aktres na ito, at posible umanong nahuli ito ng PDEA kung kaya napalapit ito sa opisyal .
Naniniwala ang ilang ahente na posible raw na may namumuong relasyon ang dalawa at kung sakali mang totoo ay posible rin itong maging asset ng PDEA kung kaya asahan na natin na maraming mga showbiz personalities ang malalagay sa watchlist ng PDEA.
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo o hinaing, suggestions at komento, mag-txt lang po sa 0908-7230036.
The post OPISYAL NG PDEA, NALOLOKO SA ISANG LAOS NA AKTRES? appeared first on Remate.