Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HAPPY ANNIVERSARY, MASBATE AT PREMYO KAY COL. CAPA

$
0
0

burdado-jun-briones2SA araw na ito, 103 taon na ang nakararaan ay opisyal na kinilala ang Masbate bilang isang lalawigan o probinsya.

At sa napakahabang panahon na lumipas ay napakaraming politiko ang halinhinang gumahasa, este, nagmaniobra sa lalawigan kong mahal.

Ayon sa kuwento ng ilang matatanda, sa mga nailuklok na gobernador ay mayroon din umanong mahuhusay magpatakbo o ‘yun bang may tunay na damdamin sa aking lalawigan.

Ngunit sa abot ng aking personal na pagkakaalam, ang ilan sa mga nailuklok na gobernador ay masama at mayroon din namang napakasama! Ehek!

Sa totoo lang, parekoy, sa loob ng ilang araw na pag-iikot sa Masbate ay marami tayong napuna na bago sa ating paningin. Isa na riyan ang magandang gusali ng Masbate Provincial Hospital. Ika nga, anoman ang sabihin ng kanyang mga kalaban sa pulitika, pero ang mga bagay na ito ay naganap sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang gobernadora na si Hon. Rizalina “Dayan” Seachon Lanete.

Dahil diyan, isa tayo sa nagpapasalamat kay Gov. Dayan Lanete sa kanyang ipinakitang pagmamalasakit at pagmamahal sa Masbate… At sa mga Masbatenyo.

Happy 103rd Anniversary Masbate!!!

-o0o-

MASAMA raw ang loob ni PNP Chief, Director General Alan Purisima dahil sa mga pahayag ni S/Supt. Conrad Capa kung saan personal itong naniniwala na ang kanyang pagkabalibag sa Cebu ay bunsod ng kanyang pagkahuli sa milyonaryong si Delfin Lee.

Sa totoo lang po, Gen. Purisima, kahit sinong matino mag-isip ay mahihirapang tanggapin ang iyong palusot na ang “transfer” ni Col. Capa ay isang promosyon!

Ika nga, ramdam ng karamihan na ang pagbaklas mo kay Col. Capa bilang hepe ng Task Force Tugis ay konektado sa pagkahuli niya sa milyonaryong si Delfin Lee.

At ang masakit pa, Gen Purisima, baka makapagdulot ito ng mensahe sa ating kapulisan na malilintikan din ang sinomang pulis na huhuli sa mga “big time” na wanted na gaya nina Gen. Jovito Palparan, Ruben Ecleo at sa magkapatid na Gov. at Mayor Reyes!

Ilang opisyal ang ating nakausap, kaya raw masama ang loob ni Gen. Purisima dahil hindi man lang siya itinuring na ama. Dapat daw ay kinausap muna siya ni Col. Capa bago ito naglabas ng hinaing sa media.

King-inang pahayag na ‘yan.

Ikaw ba, Gen. Purisima, ay itinuring mo na anak si Col. Capa? Kinausap mo ba siya nang masinsinan bago ang kanyang transfer? Ipinaliwanag mo ba sa kanya ang totoong dahilan ng kanyang pagkakasibak?

Magpakaama ka, sir, para ituring kang ama! Hmp!

The post HAPPY ANNIVERSARY, MASBATE AT PREMYO KAY COL. CAPA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES