NOONG nakaraang Marso 13, 2014, nagkaroon ng Kick-Off Meeting ang National Water Resources Board (NWRB) at The Korea International Cooperation Agency (KOICA).
Kasama ang iba’t ibang water sector sa pakikipagtulungan ng GEO C & I. Ltd. Co., K-Water, Korean Institute of Construction Technology (KICT).
Naging matagumpay ang paglulunsad ng Kick-Off Meeting sa Luxent Hotel, Timog, Quezon City.
Nagbigay ng opening remarks si Dr. Sevillo D. David, Jr., Executive Director ng NWRB ukol sa kanilang temang, “Establishment of an Integrated 3D GIS-Based Water Resources Management Information System, sa mga probinsya ng Pampanga at Bulacan”.
Sa sumunod na kaganapan ay nagbigay ng isang mensahe si Miwha Choung ng CEO Geo C&I Co. Ltd. Sa pagpapatuloy pa ng mga kaganapan, si Prof. Myung Hee Jo mula sa Kyungpook National University ay naglahad at ipinakilala ang Geopatial Information Technology Research Utilization in Korea.
Iprinisinta ni Project Manager (PM) Dr. Hyeon Cheol Park ang layunin at ang pagpapatupad sa proyekto. Nagprisinta rin si Dr. Seung Chui Choi, Project Management Consultant (PMC) ang tungkol sa K-Water.
Inilahad naman ni Engr. Isidra D. Peñaranda, OIC Policy & Program Division ang kasalukuyang plano at programa ng NWRB, sa kanilang study area.
Samantala, ipinakita naman ni Agustin Mendoza ng NEDA Region III, ang kasalukuyang kalagayan ng Integrated Water Resources Management (IWRM) sa Pampanga River Basin.
Bago matapos ang Kick-Off Meeting, nagprisinta rin si Hilton T. Hernando ng PAGASA Region III ukol sa Real Time Monitoring System in Region III
Ang NWRB ay isang attached agency ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siyang nakakaalam at may karapatan sa lahat ng kaukulan para sa tubig sa buong bansa. Ang isa sa pangunahing gawain ng ahensya ay ang pagiging economic regulator nito sa water utilities.
The post NWRB – KOICA KICK-OFF MEETING DINALUHAN NG IBA’T IBANG WATER SECTOR appeared first on Remate.
