Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNP ‘IDIOTS AT GUIDE’ AT SUGAL NI PINONG SA QC

$
0
0

NANINIWALA si PNP Chief, Director General Alan Purisima na ang kanyang mga pulis ay “idiots.” Kung bakit kasi “idiot’s guide” talaga ang napili ni Gen. Purisima na ipamagat sa kanyang “revised guidelines” na magiging manual ng mga pulis sa pagsasagawa ng imbestigasyon!

Ang masakit, parekoy, dito sa “idiot’s guide” ni Purisima at dahil mistulang pang-idiots talaga! Gaya na lang ng nakalagay na “huwag papayagan ng isang imbestigador na magtanong ang media habang siya ay nag-iimbestiga sa isang krimen.”

Tangnang kautusan ‘yan! Tandaan mo, Gen. Purisima, na ang tanging magagawa ninyong mga pulis ay huwag sagutin ang aming mga tanong. Pero wala kayo ni katiting na karapatan na pagbawalan ang media na magtanong!

Heto pa. Alam ng isang “seasoned media practitioner” na bawal galawin o i-tamper ang anomang ebidensya na matatagpuan sa isang “crime scene.”

Kaya dapat mong malaman, Gen. Purisima, na ang layunin ng media sa pagpunta at pagdodokumento sa isang “crime scene” ay upang matiyak na hindi magkaroon ng “hokus pokus” sa imbestigasyon. Dahil sa napakaraming pangyayari ay ginawa na ng maraming pulis na i-tamper o i-alter ang mga ebidensya!

Natatandaan mo pa ba si Sgt. Gerardo Biong na hinatulan ng korte dahil sa pag-alter ng ebidensya sa kontrobersyal na “Vizconde massacre?”

Natatandaan mo pa ba na maraming pulis ang nadamay sa kaso ng “Atimonan massacre” dahil sa pag-tamper ng mga ebidensya? Sa madaling salita, ‘yan ang isa sa mga dahilan kung bakit inaagapan ng media na maidokumento o personal na masaksihan ang kaganapan sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

At magiging malisyoso sa panig ng isang imbestigador kung ilihim niya o itago sa mga mata ng media ang pagsusuri na kanyang gagawin sa “crime scene”.

Ibig sabihin, Gen. Purisima, para matiyak ang integridad ng isang imbestigasyon ay una mong tiyakin ang kredibilidad ng iyong mga imbestigador!

And, “por yur empurmeysyon”, hindi kami nakikialam sa trabaho ninyong mga pulis, kaya ‘wag mo ring pakialaman ang trabaho ng media na magtanong at magdokumento sa isang krimen!

-o0o-

UNTI-UNTI na tayong naniniwala na talagang nakararating nga sa tagatanggap, este, tanggapan ni QCPD Director C/Supt. Richard Albano ang perang pinakakawalan “weekly” ng gambling lord ng Quezon City na si Pinong.

Dahil kung hindi totoo ang ipinagyayabang ni Pinong na nakakonek siya kay Gen. Albano, eh, bakit nga hindi kayang patigilin ang hinayupak sa kanyang iligal na gawain?

Pakiesplika lang po, Gen. Albano kung bakit!

Why? Why? At bakit ba talaga?

The post PNP ‘IDIOTS AT GUIDE’ AT SUGAL NI PINONG SA QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>