HALATANG-HALATANG sinalsal lang ang akusasyon laban sa isa sa mga kilalang broadcaster at news anchor ng TV5 na si Erwin Tulfo sa pagkakadawit ng pangalan nito sa P10 billion scam na Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sa artikulong sinulat ni PDI reporter Nancy Carvajal, tinukoy umano ng dalawang opisyal ng National Agri-Business Corp. (NABCOR) si Tulfo na tumatanggap daw ng suhol sa pamamagitan ng tseke na nagkakahalaga ng P249,000.
Nakasulat pa sa artikulo ni Carvajal na ang suhol ay pinalalabas na “advertisement payment” daw, ayon sa paglalahad nina Rhodora Mendoza at Vic Cacal na dating opisyales ng NABCOR.
Pero ayon sa abogado ni Tulfo na si Atty. Nelson Borja, kung mayroon man daw tseke, ito raw ay hindi suhol kundi bayad ito sa commercial placement o advertisement ng Department of Agriculture (DA) o NABCOR sa DZXL sa dating pinagtatrabahuan ni Tulfo bilang radio anchor.
Sinabi pa ng abogado ni Tulfo, bago raw sana sinulat ni Carvajal ang nasabing artikulo ay nag-double check muna ito sa DZXL o kaya ay kinuha muna niya ang panig ni Tulfo bago niya ito inilathala sa diyaryo.
Hindi naman sa kinakampihan natin si Erwin, ang akin lang suhestyon ay bago sana niya isinulat ang malisyosong akusasyon laban kay Tulfo ay inalam na muna ng reporter ang tunay na istorya dahil hindi naman ito basta isang police story na nakukuha sa isang police blotter dahil mabigat ang akusasyong ito para kay Tulfo!
MAYOR AT BAGMAN ANG NINONG
SA Bay at Los Baños, Laguna ay patuloy pa rin ang operasyon ng bookies ng STL ng dating mayor ng Bay na si Edwin Ramos alyas ER. Bukod sa pagpoproteksyon nina Bay Mayor Bunoy Ramos at Los Baños Mayor Ceasar Perez ay pinoproteksyonan din si ER ng collector/bagman ng kapulisan ng Laguna na si Vic Barrion.
Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@ yahoo.com
The post AKUSASYON KAY TULFO vs PDAF, SINALSAL LANG appeared first on Remate.