Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TUBERCULOSIS: PINAS, TOP 3

$
0
0

_benny antipordaBIGYAN naman natin ng pansin ang pagkakasakit ng mga mamamayan at ang mga ospital ng gobyerno. Napakarami kasi, mga Bro, ang nagkakasakit ngunit hindi natutugunan ng pamahalaan ang kanilang kalagayan.

Kaya naman, marami ang nagkakasakit na sa huli ay namamatay na lamang dahil ang mismong mga ospital ng gobyerno ay nag-o-operate ng parang mga pribadong ospital.

Kung hindi naman ala-pribado ang mga public hospitals natin, hindi naman naseserbisyuhan ng pamahalaan ang mga nagkakasakit na mamamayan.

SAKIT NA TB

AYON sa World Health Organization, ang sakit ng tuberculosis ay pangalawa sa Human Immuno Virus-Acquired Immuno-Deficiency Syndrome na pumapatay ng milyon-milyong katao taon-taon. Noong 2012, 8.6 milyon people ang nagkasakit ng TB sa buong mundo at 1.3 milyon ang natigok.

Eto ngayon ang sinasabi ng WHO: kabilang ang mahal kong Pinas sa may mga pinakamaraming kaso ng TB sa Asya. Mga bansang Cambodia, China, Pilipinas at Vietnam ang bumubuo ng 93 porsyento ng may TB sa Asya na may 1.6 milyong kaso at may patay na nasa 110,000 taon-taon.

Ito naman ang rekord ng Pinas sa TB. Taon-taong may 260,000 na nagkakasakit at 28,000 naman ang namamatay mula sa nasa P95M Pinoy noong 2011.

GAMOT: LIBRE

MATAGAL nang programa ng pamahalaan ang libreng panggagamot sa mga may TB. Sabi ng gobyerno, matatagpuan sa mga barangay clinic ang libreng panggagamot sa TB.

Gusto pa nga ng mga health worker na sila mismo ang magpainom ng gamot sa mga maysakit. Dahil kung ibibigay ang gamot sa mga pasyente, karaniwang may nakalilimot na uminom sa mga ito at kung mangyari ito, magsisimula muli sa simula ang pasyente.

Lilikhain naman nito ang maraming problema at kabilang na rito ang hindi na pagiging epektibo ng gamot dahil sa nasanay na ang virus dito at hindi na mapapatay ito ng gamot.

LIBRE NGA, MAHAL NAMAN

MAGANDA ang panggagamot sa mga malalapit sa mga barangay clinic. Dahil sa konting lakad lang ay maaari nang makapunta at makauwi ang pasyente.

Pero para sa mga may kilo-kilometro o milya-milyang layo sa mga barangay clinic na may mga nakaimbak na gamot, mahal ang pagpapagamot.

Maraming kaso kasi ang hindi kumpleto ang mga gamot na ibinibigay ng mga nasa klinika ng barangay. Kaya kailangang pabalik-balik ang pasyente sakay ng mga pampublikong sasakyan mula sa traysikel, jeepney, bangka at iba pa.

At kung lumala na ang kanilang sakit, nakupo, mas mahal na ang lahat kapag naospital ang pasyente. Paano kung kakambal pa nito ang kawalan ng trabaho ng maysakit?

Nakapaninindig balahibo ring isipin na kapag namatay ang pasyente, pinagpipistahan naman sila ng mga punerarya at mga doktor na karaniwang walang patawad sa paniningil ng kanilang professional fee.

SA LABAS MAY GAMOT

KAPAG naospital ang may sakit, anak ng tokwa, sa labas ang bilihan ng gamot.

Matapos ang isa o dalawang tableta o kapsula mula sa public hospital, wala nang ginawa ang mga doktor kundi inguso ang mga parmasya sa labas na doon bumili ang mga pasyente ng gamot.

At magtataka ka, kukumpiskahin ng parmasya ang iyong reseta na doon nakapirma ang mga doktor mo. Anak ng tokwa, may porsyento o tongpats si dok. Kaya pala mahal ang gamot.

Paano ka hindi mamamatay sa TB niyan?

KONTRAKTUWAL AT DRAYBER

PINAG-AARALAN natin ang mga maysakit na TB.

Kapag ang pamilya mo ay binubuhay ng isang obrero at biktima ng kontraktuwalisasyon, kapag nagkasakit ka sa TB, patay kang bata ka.

Dahil kahit libre ang gamot sa TB, hindi ka naman makakain ng may sustansyang pagkain. Paano hindi lalala ang sakit mong TB kung puro noodles ang iyong pagkain?

At kung isang taong hindi makahanap ng trabahong matino si itay dahil sa pagkakasibak niya sa trabaho sanhi ng kontraktuwalisasyon, gutom na ang palaman ng iyong tiyan.

Hindi na pinag-uusapan dito ang sustansya ng pagkain laban sa TB. Diyan na mabilis na lalapit sa iyo ang mga taga-punerarya na nag-aantay lang ng iyong pagkatigok para pagkakitaan ka naman nila.

OSPITAL ISINASAPRIBADO

NAWALA na ang Quezon Institute na doon ginagamot ang mga may TB noon. Ibinenta na yata ng gobyerno ang lupang kinatitirakan nito at pinepera na nito.

Kaya naman, sa ibang mga ospital na dinadala ang mga may sakit. Ang problema nga, parang pribado na kung umasta ang mga pampublikong ospital.

Kahit saan kang public ospital itakbo ngayon kung may TB ka, kailangan mong dumaan sa x-ray. Pero no money, no x-ray ka, Bro.

Walang pakialam karaniwan ang mga doktor dahil sanay na sila sa mga namamatay na lamang sa sakit. At may mga koneksyon pa ang ito sa punerarya, may komisyon sa bawat bangkay. Ano ang gagawin?

Maganda kung maglaan nang sapat na pondo ang gobyerno para sa mga maysakit at bigyan ng konsiderasyon ang mga talagang mahihirap sa mga serbisyong x-ray, gamot at iba pa sa mga ospital.

Sa kontraktuwalisasyon na isang ugat ng pagkakasakit sa TB, ano ang gagawin ng pamahalaan? Hahayaan lang ba ito na siyang pangunahing batas sa empleyo?

Ano ang gagawin sa liit ng empleyado ng gobyerno para sa magserbisyo sa mga maysakit? Paisa-isa lang ang mga doktor na nag-aasikaso sa mga may TB o maysakit at kapos din ang mga nade-deploy sa mga barangay.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post TUBERCULOSIS: PINAS, TOP 3 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>