Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SI MAYOR LANI AT UV DRIVERS

$
0
0

CHOKEPOINT bong paduaKATITING na hiling na kung hindi maaaksyonan ay magdadala ng ‘lamat’ sa magaling na pamumuno ni Mayor Lani Cayetano.

Habang binabalewala kasi ang idinaraing na vice operation sa Taguig, unti-unting namang nawawala ang bilib sa kanya ang mga kababayan.

Maraming magulang ang nagrereklamo sa pagkagumon ng kanilang mga anak sa paglalaro ng video karera, isang uri ng sugal-lupa.

Isang ‘Boy Intsik’ ang itinuturong operator, kasama ang isang Sgt. Laurel na nagpapakilala raw na bata ng Taguig police chief.

At isang nagngangalang ‘Kim’ naman ang gumagamit sa pangalan ni mayora para malibre ang operation ni Intsik sa police raid.

Ang biglang pagsulputan ng illegal vice sa Taguig ay ‘di makabubuti, bagkus makasasama kay Sen. Allan Peter Cayetano.

Tatakbo pa namang Pangulo si Sen. Allan.

—***—

MAIINIT ang ulo ng mga driver at operator ng UV Express group na humihimpil para makakuha ng pasahero riyan sa Trinoma Mall sa QC.

Pinagkakaperahan na raw kasi ng kanilang mga lider sa samahan dahil sa paniningil ng ticket na P2,500 ang halaga para makapasok ng Trinoma. Ang mga umaalmang driver at operator na may biyaheng Malolos-Trinoma ay nagsabi na ang bawa’t ticket ay P200 lamang subalit ibinibenta ng P2,500.

Susmaryosep. Bakit ba naman pinapayagan ng management ng Trinoma ang ganyang kalakaran na halatang ginagawa nang hanapbuhay?

PERGALAN SEASON SA BATANGAS

DAHIL panahon ngayon ng pistahan, parang kabuteng nagsulputan  ang pergalan (perya at sugalan) sa lalawigan ni Gov. Vilma Santos.

Ang pergalan ay dapat bawal dahil lahat ng uri ng sugal ay makikita rito, pero ‘di hinuhuli ng pamunuan ni Col. Omega Jireh Deocares Fidel.

Gaya ng isang pergalan sa Brgy. Cutihan sa Taal na minamantine ng isang ‘Aling Beth’, aba’y maraming bata raw ang nalulong na sa paglalaro rito.

S/Insp. Allan Avena de Castro, hulihin mo si ‘Aling Beth’ para ‘di ka pag-isipan na kumikita ka rin sa pergalan na ‘yan.

Aabangan natin kung aaksyon si Capt. De Castro sa inirereklamong pergalan na ‘yan ng mga residente ng Taal.

The post SI MAYOR LANI AT UV DRIVERS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>