Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PHILHEALTH NAGPALIWANAG

$
0
0

_lily reyesDAHIL sa rami ng nagte-text sa inyong lingkod ay minabuti ng Lily’s Files na ilathala ng buom-buo ang kasagutan ng PhilHealth ukol doon sa katanungan ni Gng. Amelita Tuazon, ng Tugatog, Malabon City at para na rin malinawan ng lahat ng miyembro ng PhilHealth.

Dear Ms. Reyes,
Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni Gng. Amelita Tuazon ng Tugatog, Malabon City hinggil sa kinakailangang hulog para sa paggamit ng benepisyo ng PhilHealth.

Nais po naming linawin sa mga miyembro na nasa ilalim ng Formal at Informal Economy, kailangan lamang po ng tatlong buwang hulog sa loob ng nakalipas na anim na buwan upang makagamit ng benepisyo sa PhilHealth.

Sa kaso po ni Gng. Tuazon, siya po ay pansamantalang natigil sa pagbabayad, maaari po niyang i-reactivate ang kanyang kontribusyon upang maging aktibong miyembro muli.

Halimbawa, kung siya ay magbabayad ngayong 1st Quarter ng 2014, maaari na siyang maging kwalipikado muli sa benepisyo sa darating na Abril 2014 dahil nakumpleto na niyang muli ang kinakailangang tatlong buwan.

Maaaring magtungo si Gng. Tuazon sa kahit saang tanggapan ng PhilHealth o accredited payment center para makapagbayad ng kanyang premium contribution.

Nais din po naming linawin na ang mga naihulog ni Gng. Tuazon noon ay hindi nababalewala sapagkat ang mga ito po ay ibinibilang sa naging kontribusyon ng miyembro na ating magiging basehan sa pag-aapply ng miyembro bilang Lifetime Member ng PhilHealth.

Ang Lifetime Member Program ay para sa mga miyembro na nakapaghulog na ng hindi bababa sa 120 buwan at sumapit na sa itinakdang edad para mag-retiro.

Ang mga rehistradong Lifetime Members po ay hindi na kinakailangang magbayad ng premium contribution at sila po’y kwalipikado na sa ating benepisyo habambuhay.

Para po sa iba pang katanungan hinggil sa PhilHealth, maaari pong tumawag sa 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph.

Maraming salamat po.

Sumasainyo,

(Sgd.) DR. ISRAEL FRANCIS A. PARGAS
OIC-Vice President
Corporate Affairs Group

NILIMASAN NG SASAKYAN UMAPELA SA TAYTAY PNP

BAKIT nga ba hindi pa ibinabalik ng Taytay PNP ang  sasakyan ng mag-asawang Wilmor at Jocelyn Andaya, gayong Releaseed for Further Investigation ang naging hatol ng inquest fiscal ng Rizal.

Hindi pa ba sapat ang halos kalahating milyong piso na nakuha ng mga pulis Taytay sa mag-asawang Andaya noong Pebrero 1, 2014?

At ano ang ginagawa ng pamunuan ng Philippine National Police sa mga pulis na katulad nitong sina Supt. Resty P. Damaso, hepe ng Taytay Police; Supt. Robert Baesa; PSI Armando S. Moises; PO3 Luis M. Jumok lll; PO2 Arnel L. Magno at PO2 Nomer T. Raymundo, pawang mga nakatalaga sa Taytay Police Station, Taytay, Rizal?

The post PHILHEALTH NAGPALIWANAG appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>