Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CAB, OKEY NA PONDO, MGA BIKTIMA NG BAGYO

$
0
0

baletodoNAGYAYABANG ang Malacañang sa nagawa nitong pakikipagkasundo sa Moro Islamic Liberation Front. Hudyat na raw ito ng totoong kapayapaan sa Mindanao? Anak ng kagaw, huwag kayong magsalita nang tapos.

Alam ba ninyo ang banta ng BIFF ng Abu Sayyaf Group? Tuloy ang laban at kidnapan. So, with the MILF attaining Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, hindi ba kasama sa kasunduan na tutulong sila sa paglaban sa mga bandidong iyan? If not, balewala lahat ng effort ninyo sa Malacañang!

Happy ako sa CAB pero mas mataas ang inaasahan ko para lubusan nang maabot ang kapayapaan sa Mindanao. Hindi sapat ang pirma kung walang pagkakanlong ng sandata at hindi mapatatahimik ang ibang puwersa katulad ng BIFF at ASG. Sana nga ay maabot ninyo iyan para masabi ninyo na kumpleto ang sustansya ng CAB.

At ngayong okay na, papaano naman ang buhay ng mga nasalanta ng mga bagyo at kalamidad? Bibigyan ninyo ng malaking pondo ang CAB, ‘yung mga binagyo mula noong 2010 hanggang ngayon, tulala at kulang na kulang pa rin sa tulong. Nabuko na nga ang nagkasira-sirang pagkain at gamit. Akala ninyo siguro aabot pa sa 2016 election, eh. Ukinnana!

Ano na ang balita kay rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson? Mukhang nagalit ang mama dahil ginawa siyang czar pero walang paa at kamay. Wala siyang power to decide by himself. Tinagpas ni Mar Roxas et al. Natakot sila kay Lacson na kapag tagumpay ang patakbo niya sa Yolanda victims, siya ang iboto sa pagka-Pangulo at hindi si Roxas.

Hindi na maiwasan ang usapin ng eleksyon 2016. At ang Bangsamoro state ay tila ginagawang kapital ng administrasyon ni Noynoy Aquino. Pero hindi sapat iyan.

Tingnan ninyo ang paligid ng bansa. Dumami lalo ang hirap at gutom at walang trabaho dahil sa dagdag na gradweyt ngayon. Dumami ang problema dahil wala naman kayong proyekto man lang.

At hayan pa, nabulgar ang PDAF sa ilalim ni Aquino. Isama riyan ang reklamo ng mga kontraktor na lokal at dayuhan sa sobrang paninikil ng mga tauhan mo, Mr. Aquino.
Saan kaya sila kumukuha ng kapal ng mukha, Mr. President?

The post CAB, OKEY NA PONDO, MGA BIKTIMA NG BAGYO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>