Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALOS NA MGA SENADOR; SUGAL SA MASBATE ‘UNLI’

$
0
0

burdado-jun-briones2NAKIPAG-USAP umano si Sen. Ramon “Bong/Pogi” Revilla kay dating Sen. Panfilo Ping Lacson. Ang pinag-usapan, ayon sa ulat, ay nagtatatanong si Pogi ng mga dapat gawin para hindi mahuli habang nagtatago sa batas!

Dahil dito, marami ang naniniwala na may planong tumakas si Revilla sakaling magpalabas na ang Sandiganbayan ng “warrant of arrest” laban kina Pogi, Tanda at Sexy.

Aminin natin, parekoy, na ngayong isinampa na ng Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan, sa malao’t madali ay maaaring magpalabas ng aresto ang Sandiganbayan laban sa tatlong senador at kanilang mga kasabwat.

At dahil “Plunder” ang kaso, wala itong piyansa. Pero may mga “wheelchair” naman na maaari nilang upuan! Hek, hek, hek! At ospital na kakanlong kung idedeklarang may mga sakit! Hmp!

Sa tatlong senador, kung talagang lalabasan ng aresto, ay si Sen. Juan Ponce Enrile ang unang madadakma. Dahil nahihirapan nang gumalaw si Tanda! Ehek! Pero siya naman ang madaling maisailalim sa hospital o house arrest dahil sa tindi ng connection, kaalaman at base na rin sa kanyang edad!

Samantalang sina Pogi at Sexy ay nagpapaturo na pala kina Lacson at Honasan kung paano maging “palos.”

Pero sa totoo lang, hindi tayo naniniwalang lalayas ang dalawa. Dahil sa ngayon pa lang ay nasa labas na sila ng bansa!

Hak, hak, hak!

-o0o-

TAYO pa ang naging mali!

Nang kinompronta umano ng malalapit kay Region 5 PNP Regional Director C/Supt. Victor Pelota Deona si Masbate PNP Provincial Director S/Supt. Jacinto Culver Nasol Sison tungkol sa isiniwalat nating iligal na sugal na lotteng sa lalawigan kong mahal ay sinabi umano ni PD na maling-mali ang ulat ni Burdado.

Dahil hindi naman aniya totoo na talamak ang sugal sa Masbate.

Ang nakatutuwa, parekoy, ang pahayag ni PD dahil hindi naman niya napasubalian ang listahan ng mga gambling lord na ating inilathala kamakailan.

Heto ang batayan ko, Gen. Deona. Sa unang distrito ay sina Biboy Sese at Jie Yuson ang financiers. Sa 2nd Dist. ay namamayagpag sina Babyboy Tan, Perla Manlapaz, Benjie Lim, Rex Cabug, Boyet at Nong Amaro, Nap Arguelles, Arjay Lim at Bert Chu na ang katiwaldas ay si Asing Dalanon. Habang sa 3rd Dist. naman ay sina Danny Olmella, Goling Ching, Jojo Aum at Jeorge Hao.

In short, labinglima silang GL na nasa listahan. Hindi ba ‘yan talamak?

Isip-isip din ‘pag may time!

Opps, para magaan namang pakinggan, Kernel, sabihin na lang natin na “unli” lang pala ang sugal sa Masbate!

Hak, hak, hak!

The post PALOS NA MGA SENADOR; SUGAL SA MASBATE ‘UNLI’ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>