LUMAGDA ang Social Security System (SSS), sa isang kasunduan sa pagitan nila ng Department of Agriculture (DA), para sa kumpletong tulong sa mga magsasaka para sa kanilang buwanang SSS contributions, sa kanilang initial batch na kinapapalooban ng may 100 piniling magsasaka sa buong kapuluan. Naganap ang seremonya sa DA Main Office sa may Elliptical Road, Diliman, Quezon City, noong nakaraang March 14, 2014.
Sina SSS President and Chief Executive Officer (PCEO) Emilio de Quiros, Jr. at Agriculture Secretary Proceso Alcala ay nagkamay at nagkasundo sa nakaraang paglagda, kasama rin sina SSS Senior Vice President for Account Management Judy Frances See at DA-ATI Director Asterio Saliot na nagsilbing mga saksi.
Naroroon din sa panahong nabanggit, sina SSS officer-in-charge for Cooperatives and Informal Sector Department Honorato Carranza, Jr., SSS Special Assistant to the PCEO Ma. Lourdes Mendoza, at DA-ATI Extension Program and Partnership Division Chief Engr. Renato dela Cruz.
Ang naturang kasunduan ay magbubukas sa mabuting daan tungo sa social protection, ng libo-libong magsasaka sa buong kapuluan na kwalipikadong Community Extension Workers o kaya ay maging miyembro ng Rural Based Organization na tinutulungan naman ng DA-Agricultural Training Institute (ATI).
Ang naturang tulong ay ibabase sa minimum monthly salary credit na P3,000.00, para sa isang monthly SSS contribution na at least ay nagkakahalaga ng P330.00, bawat self-employed farmer.
-oOo-
BINABATI ng inyong lingkod sina Councilor Manuel “LeLet” Zarcal ng District III of Manila at Director Carter Don Y. Logica, Chief of the Manila Traffic Parking Bureau (MTPB).
Nais ko rin pasalamatan ang mga staff ni Konsehal LetLet Zarcal (Manila City Hall, District III, Room 470): Arthur Manalo, Rolly Legaspi, Moel Camba, Kaye Broncano, Gilda Gecoso, Nicca Navarro, Ellah Pascual, Buboy Sacramento, Arlan Oconer at Rodel Reyes.
The post KUMPLETONG TULONG NG SSS SA MGA MAGSASAKA SA BUWANANG CONTRIBUTIONS appeared first on Remate.