TAPOS na ang panahon ng pamamayagpag ng mayabang na si Cedric Lee!
‘Yan, parekoy, ay dahil pormal nang isinampa ng DoJ ang kasong serious illegal detention laban kay Lee, Deniece Cornejo at sa kanilang mga kasapakat.
Tanda ko pa noong mga unang araw nang sumabog ang pangyayari, este, ang nguso ng actor na si Vhong Navarro.
At sa kanyang mga appearance sa television ay lutang na lutang ang kayabangan ni Lee.
Kesyo hindi totoo na hinihingian nila ng pera si Vhong, dahil marami raw siyang milyones.
Pero nang uriratin ng BIR ay sandamakmak na buwis ang hindi pala binabayaran nitong hambog na negosyante!
Hayun, parekoy, sinampahan siya ng mga kasong “tax evasion!” Hak, hak, hak!
Hindi rin daw totoo ang pahayag ni Navarro na siya’y binugbog at ikinulong dahil tumulong lang umano ang kanilang grupo kay Ms. Cornejo nang tangka itong gahasain ng actor.
Paano ngayon ‘yan, Cedric, dahil ang kasong serious illegal detention ay walang piyansa!
Mukhang matagal na panahon na maaari kayong maglampungan ni Deniece sa loob ng selda!
Ang masakit, parekoy, mga bata pa itong grupo nina Lee kaya hindi kapani-paniwala kung uupo sila sa “wheelchair” o kaya ay magpa-hospital arrest! Hek, hek, hek!
Sana lang ay matanggap na ni Lee ang aral para sa kanya.
Na ang kayabangan at pagiging mainitin ng ulo ay walang maidudulot na mabuti. Lalo na kung bunsod lang ito ng selos!
-o0o-
SA kabila ng mga “kinuldyaks” na ulat ng ilang kapatid sa hanapbuhay na kesyo ay pinapurihan ng ilang Tsinoy si NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria, nananatili, parekoy, ang katotohanan na inutil ang Heneral sa pagsugpo sa iligal na mga gawain sa Kamaynilaan!
Huwag na nating pag-usapan ang naglipanang shabu at “bold shows” sa sandamakmak na panggabing aliwan sa Metro Manila.
Huwag na rin muna nating isali ang napakaraming lugar sa NCR kung saan naglipana ang iligal na sugal.
Tanungin mo na lang, Gen. Valmoria, ang iyong sarili tungkol sa Maynila.
Napatigil mo ba at ng iyong district director ang video karera ni Gina Gutierrez at ang “lotteng” ni Boy Abang?
Bakit sikat pa rin ang “pwesto pijo” ni Ombeng sa Bangkusay area na sakop ng Stn. 1 ng MPD?
Sina Anna at Perry ay sumisikat na rin bilang may pinakamalaking bookies ng karera sa Presinto 1, 3, 7 at 10 ng MPD.
May nagawa ka ba laban sa mga nabanggit na iligalista?
Nganga! Hak, hak, hak!
The post KARMA KAY CEDRIC LEE AT PAEKLAT NI GEN. VALMORIA appeared first on Remate.
