PAARALAN sa Thailand na world class ang dating, pagmamay-ari ng isang Pinay! Iba’t ibang kaalaman at pamamaraan ng pagtuturo ang kinalap ng isa nating kababayan na si Riza Sripetchvandee, na naging daan upang magkaroon sa Thailand ng sangay ng isa sa mga premyado at kilalang eskuwelahan sa Inglatera – ang Bromsgrove International school.
Sa Thailand naninirahan ang Filipinang si Riza. Nagturo siya sa isang malaking unibersidad doon bago niya naipatayo ang sarili niyang eskuwelahan.
Ang kagustuhang magkaroon ng dekalidad na edukasyon ang kanyang mga anak ang naging daan upang maipatayo niya ang sarili niyang sangay ng Bromsgrove International School sa nasabing bansa.
Dahil sa kanyang pangarap para sa mga anak, masusing pinag-aralan ni Riza ang mga uri ng edukasyon sa iba’t ibang panig ng mundo, hanggang sa makilala niya ang isa sa mga pinakaprestihiyosong paaralan sa Inglatera.
“Bromsgrove is one of the most prestigious schools in England. It is one of the top five UK schools of boys and girls in terms of results,” wika niya.
Dahil sa magandang imahe ng nasabing eskwelahan, maraming pagsubok na pinagdaanan si Riza, bago niya nagawang mapapayag ang may-ari nito, na payagan siyang makapagtayo ng isang sangay nito.
“I was able to really need to talk to them and convince them that yes we are the right people, Thailand is the right place so it took about a year when they agreed,” salaysay niya.
Naging isa rin sa mga suliranin niya ang pagkalap ng puhunan na gugugulin sa pagpapatayo ng eskwelahan.
“Financing is also a problem. Most of the financing have to come from my own resources, so hindi katulad ng ibang business na puwedeng umutang sa bangko but this one I think, we just did it on our own sikap,” saad niya habang binabalikan ang mga pagsubok sa kanya.
Hindi nagtagal, nagbunga ang mga ipinuhunang pawis at pagtitiyaga ni Riza, dahil taong 2002 ay naipatayo niya ang Bromsgrove International School – Thailand branch at marami ang tumangkilik dito hindi lamang dahil sa mayroon itong pangalan, kundi dahil na rin sa dekalidad na kurikulum at maayos na pamamalakad nito.
Sa tinatamasang tagumpay ni Riza, ibinahagi niya sa akin ang sa tingin niya ay naging susi upang makarating siya sa kanyang kinalalagyan – “I never forget to pray even in my failures and I think there really is a divine intervention.
But I also think, employ hardwork and believe in myself. I believe, too, that people are there to help me. ‘Pag ikaw ay malinis ang puso, malaking contributing factor din siya sa success,” pagtatapos na wika niya.
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo, 10:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fanpage: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.
The post ANG PAARALAN NI RIZA appeared first on Remate.